Isyu 242: Ang sementeryo at ginto

1
80
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Tunghayan naman natin ngayon sa Isyu 242 ang panaginip ni Eduardo tungkol sa sementeryo, naghuhukay ng ginto, na hindi makinang pero malaking halaga pa rin ng salapi ang napagbentahan sa nasabing ginto.

 

Dear Maestro, 

Good pm po! Nandito po ako ngayon sa Saudi Arabia. Kagabi po ay nanaginip po ako na nasa sementeryo raw ako na naghuhukay ng ginto sa tabi ng mga nitso. Tapos ang gintong nahukay ko ay hindi makinang. Sabi ko sa kasama ko, ibenta niya ang ginto sa tindahan, ang maliit na ginto na nahukay ko na hugis bato. Tapos pagdating niya, malaki raw halaga ng ginto kahit hindi kumikinang. Ano po kaya ang kahulugan ng panaginip kong ito? Salamat po!

KASAGUTAN:

Sa mabilisang interpretasyon ganito ang pinapahiwatig ng iyong panaginip: Ang iyong panaginip ay ang eksaktong sitwasyon ng buhay at ng career mo diyan sa Saudi, ikaw ay nakatakdang magtamo ng “malaking suwerte at pag-unlad” basta nakatutok ka lang na “maghukay” na ibig sabihin ay magtiis, magsikap at magsipag ka ng husto.

Dagdag dito, ang “naghuhukay sa sementeryo ng kayamanan o ginto” sa panaginip ay larawan ng malaking hiwaga o kakaibang pangyayari na magaganap sa iyong buhay. Kung saan, maraming mga pagsubok kang daraanan, dahil ang iyong panaginip ay maihahalintulad sa isang “treasure hunting” kung kaya’t tulad ng nasabi na, “may mga hamon, balakid, sapalaran at kakaibang mga pangyayari kang mararanasan sa kasalukuyan”na binababala ng iyong panaginip na anuman ang maranasan mong hirap o mga pagsubok ay hindi ka dapat sumuko.

Dahil sa bandang huli, kahit na iniisip mong “maliliit na accomplishment” lang ang nagagawa mo o kung nag-iipon ka naman ng pera ay “iisipin mong maliiit na halaga lang ang naiipon mo” ay hindi ka dapat tumigil o huminto sa halip ituloy mo lang ng ituloy ang iyong ginagawa, dahil sa bandang huli, “kumbaga sa langgam na nagiipon ng mugmog na nahuhulog sa ilalim ng mesa” lalaki ng lalaki ang accomplishment mo, ang career mo, ang kabuhayan mo at ang salaping maipupundar at maiipon mo hanggang sa magaganap ng aktuwalan sa iyong buhay ang napanaginipan mo, “isang maliit at hindi makinang na ginto, ngunit ng ito ay ibinenta, sobrang laki at napakamahal ng halaga.”

Ibig sabihin, Eduardo, ikaw ang ginto at darating panahong magiging dakila ka,uunlad ka, magtatagumpay ka sa lahat ng iyong layunin at inaambisyon sa buhay, hanggang sa ikaw ay maging “maliit na ginto na hindi makinang” na nangangahulugang bagamat patuloy na nagpapakumbaba, yayaman ka ng napakayaman at habang buhay na magiging maligaya.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

1 COMMENT

  1. Good morning po Maestro may panaginip na naman po ako. Namasyal daw po kmi ng anak ko.. dun po sa lugar na pinuntahan namin ay dagat po sya na parang sa boracay po sya sa sobrang linaw po ng tubig. Taz sa may bandang gitna po ng dagat meron parang bundok na mataas po dahil daw po kpag humahampas ung tubig pataas tumitigas daw po ung tubig hnggng sa naging bundok na po sya. Tapos sabi po ng isang tour guide,bukas pa yan papatag ang lupa. ( Un po kc ung tubig sa dagat sa gilid pumpatag daw po kc ang lupa at ngkkaruon ng daan papunta sa rebulto na naghihimala po at lhat daw po ng hiling natutupad kya daw po dinadayo duon ng mga turista) taz maya’t maya lng sumigaw ung isang turista na pumapatag na ang lupa! Kya nman po nagmadali kmi lhat pra mkdaan papunta sa rebulto at nsabi ko sa isip ko na Salamat Lord buti nlng ngaun pumatag ang lupa dhil kng bukas pa hnd nakmi mkkapunta dhil uuwi nakmi.. Tapos po hanggng sa nkarating na nga po kmi dun sa may rebulto..at hinawakan ko po ung rebulto at sabi ko daw po na Salamat Lord dahil nakarating kami dito hinihiling ko po sana na manalo na kmi sa lotto. (Maestro yan po ung hiniling ko dun sa rebulto na naghihimala sa tingin mo po ba matutupad hiling ko) tapos maya’t maya lng npansin na namin na bumbalik na po ung tubig ng dagat at nawala na po ung daan. Kya bumaba na po kmi sa rebulto at sa may bandang likoran na po kmi dumaan lahat pati ung ibang mga turista. Panay tawag ko sa pangalan ng anak ko kc nauuna sya. Nkta ko rin po sa pnaginip ko ung dati kong kaibigan may ksama po sya na friend nya at anak nya.. Napansin ko po na ung suot nilang damit ng friend nya ay uniforme ng katulong..
    Maestro plss sagutin mo nman po eto.. Marami na po akong panaginip na sinulat dto wala pa po sagot. Salamat Po.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here