Isyu 241 : Maraming kamay na lumabas sa kama

Tunghayan naman natin ngayon sa Isyu 241ang panaginip ni Divine tungkol sa nakahiga siya sa kama, maraming kamay, may kumagat, may dugo at umiiyak sa sakit.

Dear Maestro,

Hello po! Gusto ko pong malaman ang ibig ipahiwatig ng aking panaginip. Ganito po kasi ang panaginip ko. Nanaginip ako na nakahiga sa aming kama pero hindi ko maintindihan kung bakit may iba’t ibang kamay ang nakahawak sa akin. Kamay lang na kusang lumalabas sa aking higaan na mahigpit ang pagkakahawak sa akin at kahit anong gawin ko, hindi ako makatayo at hindi ako makagalaw, na pakiwari ko ay pilit nila akong nilulubog sa ilalim. Sigaw ako ng sigaw subalit walang nakaririnig sa akin kahit katabi ko ang asawa ko. Hanggang sa nawalan ako ng boses. At unti-unting nawala ang mga kamay. Sa punto na yon ng aking panaginip, ginalaw ko ang aking kaliwang kamay at bigla akong napasigaw sa sakit, dahil may kumagat sa aking kamay. Sobrang sakit nakita ko na dumudugo ang kamay ko, pero hindi ko makita kung ano ang kumagat sa akin na pilit ko naman itong muling iginalaw. Sa sobrang sakit napasigaw ako ng malakas at umiyak na. Buti na lang ginising ako ng aking asawa. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?

KASAGUTAN:

Kung wala ka namang napanood na horror movie bago ka natulog at nakapanaginip ka ng mga kamay na bigla na lamang naglabasan sa kama na iyong kinahihigaan, maaaring ang pinapahiwatig ng mga kamay na ito ay mga babala ng paparating na suliranin na may kaugnayan sa lipunan.

Nangyaring ganyan ang pag-aanalisa sa dahil ang “kamay ang kalimitang bahagi ng katawan na pinang-aabot natin sa lahat ng bagay na nais nating maangkin na malayo sa ating sarili” na nangangahulugan ding mga bagay na nais mong makamit na hindi mo na nakakamit sa kasalukuyan ang posibleng pinuproblema mo. Sa saktong salita ay maaaring ganito ang nais sabihin ng unconscious self mo: “Paano ba ako magkakaroon nito? Paano ko makukuha o makakamit ang mga bagay na ito?” At dahil eager na eager kang makamit ang nasabing mga bagay, napanaginipan mo tuloy ang mga “kamay at humakawak sa iyo.”

“Kapag naman pilit kang inilulubog sa ilalim ng mga kamay sa iyong kinahihigaan” ang ibig sabihin nito, may lihim kang kinakatakutan sa ngayon na sa sandaling hindi mo naharap ang mga kinakatakutan mong ito, patuloy mong mapapanaginipan ang nasabing “mga kamay at iba pang nakakatakot na senaryo.”
Upang mawala na ang mala-bangungot na panaginip mo, mas mabuting isulat mo sa isang kuwaderno ang mga bagay na “kinakatakutan at pinuproblema mo sa ngayon”. Sa iyong pagsusulat, ubusin mo ang laman ng isip mo at paulit-ulit mong tanungin ang sarili mo, tulad halimbawa ng ganito: “Ano ba ang mga pinoproblema ko? Ano ba ang mga kinakatakutan ko?”
At tulad ng nasabi na, kapag nagawa mo na ang “self introspection” na nabanggit, makikita mo, kusa ng giginhawa ang isipan mo, at pagkatapos mong maisulat ang nasabing mga problema mo at kinakatakutan, hindi ka na muling mananaginip ng mga kamay at nakakatakot na mga bagay.

Habang ang “dugo naman sa iyong panaginip, may kumagat na kung ano ang kamay mo at naluha ka sa sobrang sakit” ay nangangahulugang ito ng “internal healing”, kung saan, matapos kang magkaroon ng mabibigat na mga problema, maaaring sa kalusugan, sa lipunan, sa pinansyal at kung ano-ano pa, sa bandang huli ay malulusutan, masosolusyunan mong lahat ito, hanggang sa tuloy-tuloy ka na uling umunlad at lumigaya habang buhay.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

1 COMMENT

  1. Hello po Maestro, bakit po kaya related sa pera ung mga panaginip ko lately?.. Kc andun po ung tatay ko sa pnaginip ko taz pinapabayaran nya sakin ung binigay nya na pambayad sa tuition ko.. Kya kumuha daw po ako sa nkatago kong pera sa kwarto ko ng isang libo at bnigay ko sa tatay ko sabi ko sknya may kulang akong isang daan. Masama daw po loob ko kc kng bkit pnpbyaran nya pa sakin un.(sa totoong buhay po mtgal ng patay ung tatay ko at hnd nya po ugali ung ganun..pero un po ang ugali ng knkasama ko na kht sampu papabayaran nya sakin.tsaka hnd na po ako ngaaral kya bkt kya tungkol sa tuition fee ung pnaginip ko) Taz bakit ganun bgla akong may hawak na maraming pera sa kaliwang palad ko e ang alam ko isang libo lng ang kinuha ko? Taz bigla akong tinawag ng magkapatid kong kapitbahay na naglalaba dahil nanghihiram cla ng pera para sa tuition ng anak nya.. Taz nagulat daw po ako ng cnabi nyang isang million ang tuition fee ng anak nya sa isang buwan. Taz bgla daw ako nag isip kng ano ba dpat gawin dahil hnd daw ganun kalaki ang pera ko para ipahiram saknila. Bakit po kya puro sa tuition fee ang topic ng pnaginip ko??

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here