Isyu 235 : May hawak na gintong kuwintas na pambabae ang bf

Tunghayan naman natin ngayon sa Isyu 235 ang panaginip ni Mae tungkol sa may hawak ng kuwintas na pambabae na ginto ang kanyang boyfriend na may pendant na kumikinang.

 

Dear Maestro,

 

Paano po kung ang panaginip ay may hawak na kuwintas na pambabae ang boyfriend ko na ginto at may pendant na kumikinang. Sa aking panaginip, hindi raw alam ng boyfriend ko kung kanino ang kuwintas. Tapos may lumapit na matanda sa akin na parang sa kanya galing ang kuwintas. At sabi pa niya sa akin, “himasin ko raw lagi ang pendant ng kuwintas at doon daw makukuha ang lakas o energy ng boyfriend ko.” Ano po kaya ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?  

 

KASAGUTAN:

 

Kapag sa panaginip ang isang bagay ay “kumikinang o sumisinag dahil sa taglay nitong liwanag”, ang ibig sabihin nito, ay may darating na malinaw at kitang-kitang suwerte sa malapit na hinaharap ang taong mismong panaginip at nakakita ng “bagay na kumikinang o nagliliwanag.”

 

Ang ikinaganda pa sa panaginip mo, Mae, at hindi lang kung anong bagay ang “kumikinang sa panaginip mo” kundi ito ay alahas o kuwintas na yari sa ginto, kung saan, ang ginto sa panaginip ay nagpapahiwatig din ng malaking suwerte at magandang kapalaran.

 

Kaya nga sa sandaling inisa-isa natin ang kahulugan ng mga bagay na iyong napanagipan, lumalabas ang ganitong mga interpretasyon:

Kapag nanaginip ng “ginto” tulad ng “gintong kuwintas” ito ay tanda ng paparating na suwerte sa larangan ng materyal na bagay. Puwede ring sa malapit na hinaharap ay malapit na malapit ka ng yumaman.

 

Pero may isang mahalagang tanong na naiiwan kung saan, bakit naman ang “boyfriend mo ang may hawak ng gintong kuwintas?” Malamang na ang ibig sabihin nito, sa tulong o sa patuloy ninyong pagmamahalan ng iyong boyfriend, sa bandang huli, ay matutupad at mangyayari rin sa inyo ang malaon nyo ng pangarap na yumaman.

 

Maaari rin namang “habang kayo ay nagsasama ng boyfriend, madidiskubre mo sa kasalukuyan ang mahahalaga niyang katangian na labis mong ikaliligaya at lalo pang ikauunlad ng inyong relasyon”, dahil ang “gold o ginto sa panaginip” ay naghahayag din ng “mabubuting katangian ng isang tao, tulad ng mabuting katangian ng boyfriend mo kung kaya’t sa iyong panaginip ay may hawak siyang gintong kuwintas.”

 

Samantala ganito naman ang kahulugan ng alahas sa panaginip kung saan ang

“kuwintas” ay maituturing ding isang uri ng “alahas” at anumang interpretasyon sa alahas ay yon din halos ang hahulugan ng kuwintas sa panaginip.

Sa makaluma o pangtradisyunal na kahulugan, ang alahas sa panaginip ay nagbabadya ng positibong pangyayari. Kaya kung ang kuwintas o alahas ay nakita mong hawak ng boyfriend mo, ibig sabihin may positibong pangyayaring magaganap sa buhay ng boyfriend mo o ng isang lalaki na magkakaroon malaking epekto sa iyong kapalaran.

Samantala, sa modernong kahulugan o pang-sychology na interpretasyon ang alahas sa panaginip ay siya mismong simbolo ng katayuan mo sa lipunan. Kapag sa panaginip mo ay nakasuot ka ng alahas, ito ay tanda na darating ang araw sisikat ka at sisikat din ang iyong mga gawa. Kikilalanin ka sa lipunang iyong ginagalawan at makakatanggap ka ng mga pagkilala at parangal.

Kaya lang dahil sa iyong panaginip ang may “hawak ng alahas ay ang boyfriend mo”, ibig sabihin ang boyfriend mo o isang lalaking malapit sa iyo ang sisikat at makatatanggap ng iba’t-ibang karangalan sa lipunang kanyang ginagalawan na maaaring makaapekto sa kapalaran mo. Kung positibo o negatibo ang epekto sa kapalaran mo sa mga pangyayaring magaganap sa buhay ng boyfriend mo o ng isang lalaki, sinagot din ng iyong panaginip ang nasabing katanungan.

 

Ganito ang sagot ng iyong panaginip na ikaw din naman ang naglahad: “Tapos may lumapit na matanda sa akin na parang sa kanya galing yong kuwintas. At sabi pa niya sa akin, “himasin ko raw lagi ang pendant ng kuwintas at doon daw makukuha ang lakas o energy ng boyfriend ko.”

 

Ibig sabihin lumilinaw na ngayon ang kabuuang kahulugan ng iyong panaginip, kung saan, ang ibig sabihin ng “himasin mong lagi ang pendant ng kuwintas” ay nangangahulugang alagaan mong mabuti ang boyfriend mo o ang relasyon ninyo, dahil kung paano mo inaalagaan ang isang lalaki na sadyang napakahalaga sa buhay mo, ganitong kagandang kapalaran ang mapapasa iyo.

 

Sa madaling sabi, ang iyong panaginip ay naghahayag na sa sandaling alagaan mo at mahaling mabuti ang boyfriend mo ganoon din ang inyong relasyon at pagmamahalan, makikita mo, sa malapit na hinaharap, ang lahat ng suwerte magandang kapalaran ay mapapasa inyo ng boyfriend mo hangnggang sa tuloy-tuloy na lalo pang lumigaya, at lalo pang uunlad at sasaganap ang inyong relasyon habang buhay.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

2 COMMENTS

  1. hello sir pa read nmm po ng birtday at year ng hubby q ang birthday bg hubby q march 16 1964 year of the dragon aq nmm po ay june 24 1976 year of the rabbit kinasal po kmi last march 25 thank you po

  2. hello sir 1975 po yun typ lng po just did a mistaken ano po kya magiging future nmin mag asawa

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here