Isyu 232: Puno sa tabi ng punso

0
271
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan natin sa Isyu 232 ngayon ang panaginip ni Tulips tungkol sa dalawang mataas na puno sa tabi ng punso at madilim na lugar.

Dear Maestro,

Hello po. Nanaginip po ako ng dalawang mataas na puno sa tabi ng punso. At napakadilim daw po ng lugar na ‘yon. Ano po kaya ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?

KASAGUTAN:

Ang “punso sa panaginip ay naglalarawan ng kahiwagaan” kung saan, noong sinaunang panahon pinaniniwalaan ng mga matatanda na sa ilalim ng punso naninirahan ang mga lamang lupa, mga nuno sa punso, mga duwende at iba pang mga elemental beings.

Kung saan, dahil ang mga “duwende ay pinaniniwalaang nag-iingat ng mga ginto at iba pang kayamanan sa ilalim ng lupa, sinasabing kapag nanaginip ka ng duwende ito ay maituturing na suwerte, habang ang punso naman na pinaniniwalaan ding ito ay bahay ng anay at ng mga langgam ay nagbabadya rin ng papalapit na suwerte at magandang kapalarang hitik na hitik, higit lalo na may kaugnayan sa salapi at materyal na bagay.”

Samantala bukod sa punso, pinaniniwalaang ang mataas na puno sa panaginip ay may positibo ring kahulugang kung saan, sa makaluma o pang-tradisyunal na interpretasyon “kapag ang punong kahoy sa panaginip ay malago, maganda at maraming bunga, ito ay tanda na sa lahat ng ginawa mo sa kasalukuyan, ito ay mamumunga ng sagana, kaya naman tiyak na susuwertehin ka.”

Oo, susuwertehin ka, hindi lang sa materyal na bagay, sa propesyon o kung anupaman ang pinagkakaabalahan mo sa ngayon, bagkus ang puno na maganda, maraming dahon, may bulaklak at mga bunga ay tanda rin ng isang masayang pag-ibig at isang masayang pag-aasawa na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Samantala sa modernong kahulugan o pang-psychology na interpretasyon, ang punong kahoy sa panaginip ay ikaw din. Kaya nga kung ang punong kahoy ay matatag, malabay ang mga sanga at berdeng-berde ang mga dahon at sariwang-sariwa, ito ay tanda ng “iyong vitality, kalakasan o ng iyong kalusugan.”
Ibig sabihin, malusog na malusog ka at pati na rin ang pangdamdamin at pang emosyonal mong kalagayan kapag malusog at maganda ang punong kahoy ang napanaginipan mo. Dagdag dito, ito ay tanda rin na sa kasalukuyan bukod sa malusog ang iyong pisikal na katawan at pagkatao, masaya at maligaya rin ang kasalukuyang disposisyon mo sa buhay.
Ang problema nga lamang sa panaginip mo Tulips ay “ang madilim na lugar” ito ay nagbabadya ng papalapit na problema na maaari mong kaharapin sa susunod na mga araw.

Kaya ang iyong panaginip ay nagbabala na ikaw sa ngayon ay dapat na magpakatatag sa anumang iyong ginagawa, upang kung sakaling dumating ang mabigat na problema, ito ay agad mong magapi at malagpasan.

Tulad din ng mga sandali na may mabagyong panahon, ang mangyayari sa iyong karanasan sa susunod na mga araw, medyo magkakaroon ng ulap at dilim ng problema, pero sa sandaling nagpakatatag ka at nasolusyunan mo ang nasabing mga suliranin, tulad ng naipaliwanag na ang punso at ang dalawang punong kahoy ay magbibigay sa’yo ng bonggang-bonggang pag-unlad at maraming-maraming hindi lamang sa salapi at materyal na bagay, kundi pati na rin sa pag-ibig at pakikipag-relasyon, kung saan, ang “dalawang malaking punong kahoy” sa iyong panaginip ay ang larangan mo at ang larawan ng iyong minamahal, na mananatiling malabay, suwerte, maunlad at maligaya habang buhay.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here