Isyu 225: Barko sa pantalan

0
269
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan naman natin ngayon sa Isyu 225  ang panaginip ni Allan tungkol sa barko.

 

Dear Maestro,

 

Nanaginip po ako ng barko na nakadaong sa pantalan. Malaki po siyang barko at sa panaginip ko ay malapit na siyang umandar, dahil medyo gumagalaw-galaw na po siya at umuusok na. Ano po kaya ang kahulugan ng panaginip kong ito may kaugnayan kaya ito sa pag-aapply ko sa abroad bilang driver sa Dubai. At puwede rin po bang malaman ang numerong katumbas ng barko dahil mahilig din po akong tumaya sa hueteng at lotto.

KASAGUTAN:

Kapag ikaw ay isang seaman o mandaragat o kaya naman ay isang OFW at ikaw ay nakapanaginip ng barko na umaadar-andar, malaking posibilidad na magkakaroon ka ng isang produktibo at masaganang pag-a-abroad.

Kaya nga ang panaginip mo, Allan, ay masasabi nating may positibong kahulugan, kung saan, dahil nag-a-apply ka sa ngayon bilang driver sa Dubai, walang dudang na may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.

Kung mahilig ka naman sa number games at iba pang pakikipagsapalaran, dahil ang barko sa iyong panaginip ay umaandar, ito ay may katumbas na numerong 5 at 14. Dahil ito ay nasa tubig, puwede rin ang numerong 2, 7 at 25. Dagdag dito ang barko sa panaginip ay may katumbas ding numerong 3, 8, 19, 25, 33 at 44.

Samantala, Allan, narito ang dagdag pang kahulugan ng panaginip na barko.

Sa makaluma o pang-tradisyunal, na kahulugan ang barko sa panaginip ay nagpapahiwatig ng paglalakbay. Nangyari, sapagkat alalahanin sumandali na noong unang panahong hindi pa naiimbento ang eroplano.

Para sa iyong kaalaman ang eroplano o masasabi nating totoong bakal na lumilipad ay naimbento lamang taong  1903 ng magkapatid na Amerikanong, Wright Brothers, at ang eroplanong ito ay tinawag na Wright Flyer I, at ito ay kanilang pinalipad noong December 17, 1903.  At taong 1919 lamang naganap sa kasaysayan ng daigdig ang kauna-unahang international commercial flights mula U.S. patungong Canada.

Kaya nga bago pumasok ang taong 1900, halos ang lahat ng malayuang “means of transportation” noong mga panahong iyon ay sa pamamagitan lamang ng barko.

Dahil dito tulad ng nasabi noong mga panahong iyon, kapag nanaginip ka ng barko, ito ay malinaw na pahiwatig ng isang malayuang paglalakbay. Kung payapa ang alon sa iyong panaginip habang nakasakay ka  sa barko ito ay nagpapahiwatig ng isang mabunga at mabiyayang paglalakbay. Samantala, kung sadyang maalon ang karagatan o kaya naman may malaking unos o bagyo habang nakasakay ka sa barko ito ay tanda ng isang masalimuot, mahirap at maraming problema kang kahaharapin sa pangingibang bansa.

Kung tinitingnan mo lamang ang barko sa iyong panaginip habang ikaw ay nasa dalampasigan at ang barko ay nasa laot ng dagat,  ito ay tanda na nangangarap kang mag-abroad pero malayo-layo pang matupad.

Sa modernong kahulugan o pang-psychology interpretasyon, ikaw din ang higanteng barko sa iyong panaginip. Kung saan, habang sakay ka ng barko, ang “conscious self mo” ay naglalakbay sa kaloob-loobang bahagi ng “unconscious self mo” na nangangahulugang dumadanas ka ng tinatawag na “soul-searching.”

Bukod sa “soul-searching” puwede ding sa kasalukuyan may mga bagay na nais kang maabot ngunit sa kasalukuyan ay patungo ka pa lamang sa pagsasakatuparan nito.

Kaya nga, kung saan iyong paglalakbay ay payapa ang alon at maayos na tumatakbo ang barko, ito ay nangangahulugang sa malapit na hinaharap ay makakamit mo ang iyong malaking nilalayon o inaambisyon sa buhay.

Samantala kung maalon ang paglalakbay habang ikaw ay nasa barko, ito ay nagbababala naman na maaaring mabigo ka sa iyong inaambisyon o nilalayon sa buhay.

Para sa karagdagang paliwanag, iminumunkahi ng mga psychologists na kung ikaw ay nanaginip ng barko, alamin mo sa iyong panaginip kung ikaw ba ay pasahero? Tripulante? O ikaw na mismo ang kapitan ng barko?

Kung ikaw ang pasahero, ito ay tanda na sa kasalukuyan may maliit na bagay kang gusto mong makamit at makakamit mo naman ito sa tulong ng ibang tao.

Kung ikaw naman ang tripulante, ito ay nagpapahiwatig na sa susunod na mga araw, buwan at taon may magagandang opotyunidad na darating sa buhay mo na kapag sinunggaban mo agad, tiyak na ito ay madali mong makakamit.

Habang kung ikaw naman mismo ang kapitan ng barko ito ay tanda na magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay mo. Maaaring dalawa ang kahantungan, isang napakalaking tagumpay o kaya isang napakalaking kabiguan, sigon nga kung payapa ba o maalon ang karagatan sa panahon ng iyong paglalakbay. Kung payapa ang karatan ang “smooth sailing” ang barko, siguradong ang pagbabagong magaganap ay magdadala sa iyo sa isang napakalaking tagumpay. Kabaligtaran naman nito kung maalon at may unos ang dagat sa panahon ng iyong paglalakbay, ito ay tanda ng isang malaking pagsubok at kabiguan ang posibleng magaganap na pagbabago sa iyong buhay sa malapit na hinaharap.

Para sa mga negosyante at sa mga mangangalakal ang barko sa panaginip ay nag mumungkahing higit kang kikita ng malaking halaga kung iluluwas (ie-export) o dadalhin mo sa iba’t-ibang malalayong lugar ang iyong produkto.  Maaari ring ang barko sa iyong panaginip ay nagpapahiwatig na kung sa malayong lugar ka mangangalakal.

Sa mga namamasukan at pangkaraniwang manggagawa, ang barko sa panaginip ay nagpapahiwatig na makaranas ka ng bagong pakikipagrelasyon sa isang kasamahan sa trabaho na mas mataas sa iyo ang posisyon.

Sa mga kababaihan na may asawa na, ang barko ay nagpapahiwatig ding sa susunod na mga buwan o taon, sa iyong pagbubuntis, magkakaron ka ng anak na lalaki. Siya ay magiging malusog at adventurer.

Sa mga estudyante at mga teenager, ang barko sa panaginip ay nagpapahiwatig na gustong-gusto mong mapansin ng iyong guro o dili kaya’y gustong-gusto mong mapansin ng iyong ka-classmate na crush mo, pero sa kasalukuyan hindi ka pa nila pinapansin dahil may iba pa silang pinagkakaabalahan. Dahil dito ang iyong panaginip na barko ay nagmumungkahing dagdagan mo pa ang “effort” upang mapansin ka na.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here