Your Dreams: Ang barya at mangkok

dream interpretations on philippineone.com
Maestro Honorio Ong

Tunghayan natin sa Isyu 205 ang panaginip ni Rachel tungkol sa barya at mangkok.

 

Dear Maestro,

 

Hello po. Ano po ang kahulugan ng panaginip ko na baryang pera na nakalagay daw sa mangkok? Sabi po ng amo ko sa akin, “Rachel lahat ng barya, dito mo ilagay sa mangkok”.

 

KASAGUTAN:

Rachel, siguradong ang panaginip mo ay may positibo at magandang kahulugan, dahil ang barya at mangkok ay pangkaraniwan na nating nakikita sa pagsisimula ng Bagong Taon kung saan, ang “mangkok na pinuno ng bigas at mga barya” ay pinangdi-display sa lamesang kainan kasama ng iba’t ibang uri ng prutas na bilog at mga  pagkain bilang pagsalubong sa Bagong Taon na sumisimbolo ng suwerte at kasaganaan.

Samantala, sa makaluma o pang-tradisyunal na kahulugan, ang barya sa panaginip ay sumisimbolo ng kasaganahang pang-materyal higit lalo kung ang barya na napanaginipan mo ay marami at kumakalasing.

Dahil ang barya ay “naipambibili” ito ay tanda din na sa susunod na mga araw ang iyong “material needs” at pangangailangang pang-katawan ay unti-unti mo ng matutugunan. Ibig sabihin magkakaroon ka ng maraming pera o dili kaya’y bagong pagkakakitaan.

Dagdag dito ,ayon sa paniniwala ng mga matatanda sa partikular ayon sa Chinese tradition na nagpasalinsalin sa kasalukuyang panahon, sinasabing ang sinumang maglalagay ng barya sa mangkok tulad ng panaginip mo, Rachel, na may lamang mga butil ng bigas ganoon din naman ang sinumang maglalagay ng mga barya sa bulsa kapag sumasapit ang unang araw ng Bagong Taon lalo na’t ang mga barya ay pakakalansingin habang naghahati ang taon ay susuwertehin at magtatamo ng magandang kapalaran sa susunod na taon.

Pinaniniwalaan ding ang barya na ginagamit sa “malutong na mangkok ng bigas” ganon din ang “baryang inilagay sa bulsa” tuwing sumasapit at sa pagtatapos ng taon at sa pagsalubong sa darating na taon ay hindi dapat gastusin, dahil ang nasabing barya ay siyang magdadala ng mas maraming suwerte sa buong pamilya.

Kaya naman sa sandaling ang barya ay napanaginipan ito ay nangangahulugan ng pag-unlad at kasaganahan.

Barya rin ang inilalagay sa “aras” ng mga bagong kasal na ginagamit sa mismong oras ng kasal ng magkasintahan, na sumisimbolo rin ng itatayo pamilya ng bagong kasal, kaya naman bukod sa kasaganahan ang barya sa panaginip ay nagpapahiwatig din ng masaya at masaganang pag-iibigan ng magkasintahan o ng mag-asawa.

Kadasalan noong unang panahon at magpahanggang ngayon naman sa mga probinsiya ang lumang baryang pilak ay ginagawang singsing ng magkasintahan, na sumisimbolo rin ng suwerte at matatag na pagmamahalan, kaya naman kapag nakapanaginip ng barya ito ay indikasyon din ng masagana at matibay na samahan para sa magkasintahan at sa mag-asawa.

Barya din ang pinapantaya sa hueteng at inilalagay sa arkasya ng mga matatanda sa mga malalayong probinsiya noong unang panahon, kaya naman kapag napanaginipan ang mga barya ito ay nagpapahiwatig ding sa susunod na mga araw, maaaring ang nakapanaginip ay manalo ng malaking halaga sa isang number games tulad ng hueteng at iba pang kauri nito.

Barya din ang inilalagay sa bukol ng mga bata sa mga probinsiya upang ang bukol ay unti-unting maampat, maghilom o gumaling, kaya naman ang barya sa panaginip ay nagpapahiwatig din ng kagalingan sa partikular “spiritual at inner healing” at puwede ring aktuwal na “physical healing” sa anumang uri ng karamdaman,

Sa moderno o pang-psychology na interpretasyon, dahil ang barya ay bilog ito ay sumisimbolo ng eternity o kawalang hangganan, nangangahulugan ding sa panahong nanaginip ka ng mga barya, unti-unting maaabot ng iyong isipan ang pinaka-tama at mabisang solusyon sa mga kinakaharap mong problema sa kasalukuyan.

Sa mga magkasintahan naman ang barya sa panaginip ay nagpapahiwatig na maaaring kayo na ang magkakatuluyan at magsasama sa isang masaganang pagpapamilya habang buhay ng boyfriend mo o ng girlfriend mo higit lalo kung sa inyong panaginip ay napakaraming barya.

Ang barya ay sumisimbolo din ng kayamanan at kasaganahan, higit lalo kung ang nakita mo sa iyong panaginip ay nagningning na palayok na punong-punong ng mga gintong barya. Ito ay tanda na sa susunod na mga taon ikaw ay siguradong magkakamal ng maraming yaman at kasaganahan sa buhay.

Sa mga negosyante kung ang barya sa iyong panaginip ay ibinigay sa iyo, napulot mo o ikaw ang tumanggap, ito nagpapahiwatig na maraming tubo at tuloy-tuloy na pag-unlad at tuloy-tuloy na pag-asenso ng iyong ng iyong negosyo. Kung sa iyong panaginip ay ikaw ang bumibili o naglalabas ng barya, ito ay tanda ng unti-unting pagkalugi at pagkawala ng tubo at sa bandang huli ay pagkaubos ng puhunan.

Sa mga empleyado at sa mga pangkaraniwang manggagawa ang barya sa panaginip ay nangangahulugang madadagdagan ang iyong income sa susunod na mga buwan sumalit dahil ang umento ay “barya lang” hindi na naman malulubos ang iyong ligaya kahit pa sabihing nadagdagan na naman ang iyong income.

Sa mga estudyante ang barya sa panaginip ay tanda din ng dagdag na allowance o dili kaya’y sa isang hindi inaasahang  sitwasyon at pagkakataon, bigla kang makakapulot ng pera o isang bagay na mahalaga.

Dahil barya din ang ginagamit sa“wishing well” sa mga teenagers ang panaginip na barya ay malinaw na nagpapahiwatig ding “hindi lang pala ikaw ang may crush sa crush mo kundi crush ka rin pala nya.”

Kaya nga Rachel kung pagtutugma-tugmain ang mga interpretasyon inilahad na sa itaas, lumilinaw na ang kahulugan ng iyong panaginip,Sabi po ng amo ko sa akin, ‘Rachel lahat ng barya, dito mo ilagay sa mangkok”, na nangangahulugang magkakaroon ng pagbabago sa iyong buhay sa susunod na mga araw, buwan at taon, at ang pagbabagong ito sa tulong iyong amo at ng  iba pang mga taong mas nakatataas sa iyo, ay magdudulot sa iyo sa isang mas maunlad at mas asensadong pamumuhay hanggang ang karanasan mo ay tuloy-tuloy  ng sumagana lumigaya habang buhay.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

2 COMMENTS

  1. Hello po Maestro, Ang panaginip ko po at Pasko daw po as in Dec.25 daw po ung araw na un. Pero sa nkkta ko sa paligid prang karaniwang araw lng nman kc wla nman mga xmas decors akong nkikita. Tapos po biglang dumating ang pinsan ko kasama ang anak nyang babae na inaanak ko po. Binigyan ko po ng 100 ung inaanak ko bilang pamasko ko sakanya. Taz sabi ko daw po na pasensya kna ha dahil gipit din kc ako. Maya’t maya po ay may dumating na namang bisita isang matandang lalaki at may ksama sya na isang lalaki din na cguro anak nya. Sa panaginip ko po ay kilala ko sila kya pinatuloy ko sila sa loob at hinandaan ko sila ng makakaen. (Sa totoong buhay po hnd ko cla kilala). Tapos tinignan ko daw po kung kinaen nila ung hinanda ko sknla at nkita ko nman po ay paubos na. Salamat Po sana mapansin mo ung message ko Maestro. Godbless Po

  2. Anu po ba ang kahulugan ng panaginip kapag may dumadating na bisita?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here