Isyu 203: Hindi gusto ang ka-date sa panaginip

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan sa Isyu 203 ang panaginip ni Kyra.

 

Dear Maestro,

Good daw po. Itatanong ko sana kung ano ang kahulugan ng aking panaginip. Galing daw po ako sa may ilalim ng lamesa o ilalim yata po iyon kung saan. Hindi ko po alam ang tawag daw doon, basta sa ilalim daw po ako nanggaling. May kasama daw po akong pagkain na nakabudbod sa akin. Pag-alis ko, nakasuot po ako ng dress na puti. Nakataas ang mahaba kong buhok. Maayos daw po ako. Parang isang date na hindi ko ginusto. Nagtataka po ako dahil ang suot kong puting dress na fitted hanggang tuhod ay puting-puti pa rin at walang kahit na anong dumi kahit galing ako sa ilalim at may mga pagkain pa na kulay green. May nakahain sa lamesa. Kulay green din po ang pagkain sa may pinggan. May kandila at may kasama daw po akong lalaki. Takot na takot daw po ako. Pero noong masindihan ang kandila ay medyo nabawasan ang takot ko. Tig-isa daw kami ng kandila. Kulay puti ang kandila. Nagsindi rin ang kandila sa tapat ng lalaki. Ibinudbod niya sa pagkain nya, pero ako ni hindi ko magawang tikman ang pagkain na nakahain sa harapan ko. Hindi ko po kilala ang lalaki at hindi ko rin matandaan ang hitsura niya. Sinabi ko po sa panaginip ko noong matapos na siyang kumain ay “Let me go now, naghihintay ang pamilya ko!” Tapos po nagising na ako. Bakit po kaya ako nanaginip ng ganon? May asawa na po ako at anak? Parang napanaginipan ko na po yon dati, tapos naulit lang.

 

KASAGUTAN:

Pansinin muna natin ang eksena sa iyong panaginip kung saan ay nakasuot ka ng damit or dress na kulay puti.

Ang nakasuot ng dress na kulay puti ay larawan ng isang babae na umaasa, na sa darating na mga araw, iyong inaasam-asam niyang pag-ibig o romansa ay matutugunan din ng karapatang pag-ibig at sakto ring romansa na ninanais niya.

Minsan ang nakasuot ng puti lalo na’t isang uri ng gown ang iyong kasuutan sinusuot ng ikakasal na babae ay nagbabala ng karamdaman, pero dahil ang suot mong dress na kulay puti ay fitted hanggang tuhod” ibig sabihin nito ay nagpapakita na sa mga sandaling iyon ikaw ay napaka-sexy mo tingnan, lalo na’t nakataas pa ang mahaba mong buhok.

 

Kaya maihahaka na ang damit na puti tulad ng nasabi na, “ay unconscious wish na matugunan ng karampatang sarap at ligaya nang nag-aalab na kagandahan at katakam-takam mong pangangatawan, sa iyong panaginip.”

Ang tanong, “yon napaka-sexy at napakaganda mong hitsura sa iyong panaginip ay matutugma ba ng isang makisig at matikas na lalaki, upang tulad ng bagong kasal sa kanilang honeymoon o pagpupulot-gata ay kapwa sila makaraos, masiyahan at masarapan?” Mamaya-maya natin sasagutin ang katanungang ‘yan!

Samantala, kapag galing ka sa “ilalim” sa iyong panaginip, ibig sabihin ay “may problema kang kahaharapin o kaya naman ay may problema ka sa kasalukuyan”.

Ano naman ang problema mo sa kasalukuyan na kung tutuusin ay “unconsciously o hindi mo gaanong namamalayan” pero ipinapakita at ipinararamdam sa iyo ng mga eksena sa iyong panaginip tulad ng “nagsisilab ng apoy sa ilalim ng lamesa”.

Kung saan, ang apoy tulad din ng sinindihang dalawang kandilang kulay puti saa iyong panaginip kung ang psychologist na si Sigmund Freud ang tatanungin ay ikinokosinderang “sexual energy” (umaapoy ang pagnanasa) at ang candle naman o kandila ay phallic symbol na nangangahulugan ito rin mismo ang larawan ng “penis” ng isang lalaki.

Nagpakita sa iyong panaginip, ang “apoy at ang kandila” na kapwa may kaugnayan sa “sexual energy at sexual prowess” dahil sa kasalukuyan, ito rin aspetong ito ng iyong buhay ang problema mo na hindi mo naman pinapahatala.

Kung saan, “ang apoy kasi ay dapat na nasa ibabaw” at wala sa ilalim ng bahay. Kumbaga, sa mga bahay sa mga malalamig na lugar “hindi ba’t ang fireplace o lugar na painitan ay kadalasang nasa sala ng bahay”, pero sa panaginip mo, kapansin-pansing ito ay kakaiba, dahil ang“sunugan” na sinasabi mo sa iyong panaginip ay “nasa ilalim ng lamesa.”

Kaya tulad ng nasabi na, kung ang psychologist na si Sigmund Freud ang tatanungin, ay maaaring niyang sabihin ang ganito: “malamang na ang problema mo sa kasalukuyan ay ang may kaugnayan sa iyong “sexual life”, sa init ng iyong katawan na hindi mo mairaos ng lubusan.”Maaaring bitin ka o madalas na hindi ka nasisiyahan at nasasarapan sa panahong nagtatalik kayong mag-asawa. Marami ka pang ibubuga, kaya lang kadalasan ay tapos na siya.

Ito rin ang dahilan “kung bakit nakasuot ka ng kulay puting damit pero hindi nadudumihan, kasi nga, hindi ka naman gaanong nakakaraos at maaaring lagi kang bitin!”

Pinatunayan ang theorya o haka-hakang ito ni Freud na unconsciously sex ang iyong problema ng lumitaw ang isang lalaki sa iyong panaginip na ang eksena ay: Nakataas ang mahaba kong buhok. Maayos daw po ako. Parang isang date na hindi ko ginusto.”  Kung saan, “date na hindi mo gusto”, na ngangahulugang “ang unconscious  self mo kung makapagsasalita lang parang gusto nyang sabihing “sana may ka-date ako na gusto ko” dahil sayang “naman ang haba at ganda ng buhok ko”. Na ngangahulugang “sayang naman ang nag-aapoy at nag-aalab mong enerhiya sa sex kung ito ay laging bitin o hindi mairaraos ng lubusan.”

Kaya naman kasunod ng mga pangyayaring ito sa iyong panaginip, tulad ng naipaliwanag na, “agad namang lumabas ang dalawang kandila na may sindi”, nangangahulugang kung hindi man nag-aalab na pagnanasang sexual ito ay sumisibolo ng “longing” o paghahanap ng unconscious self mo sa isang matimyas, masarap at nag-aalab na romansa na sa ngayon ay hindi pa natutugunan.

Ito rin ang dahilan kung bakit “kulay green ang mga pagkain sa lamesa” kung saan, ang kulay green o berde ay naghahayad ng “hope” o ng“pag-asa” na nangangahulugang kahit na may mga mild o  severe unconscious sexual  frustration ka sa ngayon, buo ang iyong pananalig na sa susunod na mga araw, sa muli ninyong pagtatalik ni mister, makakamit mo na rin sa wakas ang isang very satisfied na pagniniig na magdudulot sa iyo upang ang nagaalab na libido ay tuluyan mo ng mairaos ng ubod sarap at wagas ang ligaya.

Habang ang final words mo naman sa iyong panaginip na nagsasabing, “Let me go now, naghihintay ang pamilya ko!” ay nagpapahiwatig na sa panahong naglalakbay sa balintataw ng iyong malalim na pakatao, ang mga pangyayaring labis mong kinasasabikan, ang makaraos at masarapan, nagpasya ang iyong unconscious self na “muli ng bumalik sa iyong pamilya, sa partikular sa yapos, sa yakap at sa lambing ng iyong asawa, upang minsan pa, sa inyong pagniniig ay tuluyan mo ng mairaos ang isang mainit, napakasarap at nagaalab na romansa.”

Kaya nga, Kyra, tunay ngang kapag nairaos mo na ng sagad at ubod sarap ang nasabing “nagwawala at nagaalab na  libido sa iyong inner self” kahit kailan, walang duda, hindi ka na muling makakapanaginip pa ng,  “apoy, ng kandila, ng mahaba mong buhok at ng nakikipag-date ka  sa isang hindi mo naman kakilalang lalaki”. Sa halip ang mapapanaginipan mo na “ay isang batis o malawak na dagat, na may napakalinaw na tubig, kung saan, lumalangoy ka at nagtatampisaw sa sarap!”  

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

SHARE
Previous articleKapangyarihan: Mga klase ng super powers o psychic power
Next articlePamahiin Biyernes Santo: Mga hindi mo dapat gawin sa araw na ito
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

1 COMMENT

  1. Magandang Umaga Po maestro,
    Paki interpret Po Ng aking panaginip. Ako daw Po ay nakahiga SA aking kwarto nag facebook daw ako .Gabi Po yon maliwanag Ang kalangitan at Ang buwan. SA sobrang liwanag tagos Po sa bintanang salamin SA aking kwarto. Ako Po ay tumingin SA kalangitan..Ang buwan Po na sobrang maliwanag biglang naging Mata..as in yong malaking buwan ay naging Mata isa lng na malaking mata..kasing laki Ng buwan Ang mata na nakatingin sakin. Klarong klaro Po ang Mata SA buwan. Hindi naman Po matapang Yong pagkatingin SA akin. Tinawag ko si mama para sabihin na tingnan nya Yong buwan nagiging malaking Mata na maliwanag. Sabi Ni mama nakita din daw nya Ang Mata. Ano Po ibig sabihin nito? Maraming Salamat Po..
    Ano Po ba ibig sabihin non.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here