Isyu 191: Ang kahulugan ng toothpaste, toothbrush at medyas

Dreams by Meastro Honorio Ong on PhilippineOne

Tunghayan naman natin ngayon sa Isyu 191 ang panaginip ni Wendy tungkol sa bumibili ng toothbrush, toothpaste at medyas.

 Dear Maestro,

Ano po ba ang kahulugan kapag nanaginip ka ng toothbrush, toothpaste at medyas? Ganito po kasi ang panaginip ko. Bibili raw ako ng toothbrush at toothpaste kaso naalala ko na wala nga pala akong pera. Tapos, mayroong babaeng lumapit sa akin at tumawag sa cellphone. Ryan daw ang name ng kausap niya. Ask ko siya, “Sinong Ryan?” Sagot niya, “Yong beki, yong bading, yong ganon!” Tapos pahabol pa niya, “Wag kang aalis may ilalagay sa medyas mo si Ryan!” Nagalit daw ako at sinabi ko raw na“sasapakin ko si Ryan kapag ginawa niya yon!” And then nag-walk out ako palabas ng store. Eh, kaso naiwan kong binili ko kaya binalikan ko. Tapos nagising na ako. Pero,  napaisip talaga ako “Kung ano kaya ang ilalagay nu’ng Ryan sa medyas ko?” 

 

KASAGUTAN:

Siguradong “mahalagang bagay ang ilalagay ni Ryan sa medyas mo Wendy sayong panaginip” kaya naman tapos na ang panaginip mo ay napapaisip ka pa at naitanong mo sa sarili mo, “Ano kaya ang ilalagay ni Ryan sa medyas ko?”

Ang kaso at ang malungkot, “gusto mong sapakin si Ryan!”  Bakit mo naman sasapakin si Ryan? Maaaring bata ka pa, cute at maganda o kaya kaya’y may pagka-boyish ka at inis ka sa mga bading.

Samantala, ang isa pang tanong ay ganito para madali nating ma-decipher ang kahulugan ng iyong panaginip, ay kailangan mo na nating malaman: “Kung may kilala ka ba talagang beki o bading na Ryan ang pangalan?”

“O kung walang beki o bading na kakilala ka na Ryan ang pangalan, may iba pa bang Ryan na kakilala mo na medyo malapit sa iyong buhay?”

Anu’t ano man ang iyong kasagutan sa mga tanong na nabanggit siyempre pa para umusad ang ating pag-a-analisa, i-interpret pa rin natin o bigyang kahulugan ang ilang mga bagay iyong panaginip.

 “Ang bumibili” sa panaginip ay nangangahulugang “naghahangad ka sa isang bagay na gusto mong bilin” kaya kung toothbrush at toothpaste ang iyong bibilin, maitatanong mo sa iyong sarili, “marumi ka ba o mabaho ba ang iyong ngipin o hindi ka ba nagtu-toothbrush o madalang ka ba ng mag-toothbrush kaya naghahangad ka na bumili ng toothbrush at toothpaste sa iyong panaginip?”

Maaari ring “may sira kang ngipin o nais mong ipabunot o may ngipin ka na hindi maganda ang pagkakatubo at nais mong pagandahin” kaya nanaginip ka ng toothbrush at toothpaste.

 Ang problema sa iyong panaginip ay “nang nasa bilihan ka na ay naalala mong bigla na wala ka palang pambili.” Ibig sabihin, kahit ka naghahangad na pagandahin o ayusin ang sarili mo dili kaya’y ayusin ang pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan mo sa ibang tao, maaaring hindi mo pa rin magagawa ito, dahil nga “noong pumunta ka sa bilihan ay wala ka namang dalang pera o wala ka namang dalang pambili.,”

 Nabanggit natin yong salitang “ayusin ang pakikipag-usap at pakikisalamuha o pakikipag-ugnayan mo sa ibang tao o sa mga kakilala mo”dahil ang toothbrush na pinanlilinis ng ngipin at pinanlilinis din ng bibig ay “may kaugnayan din naman sa pakikipagusap at pakikipagtalastasan natin sa ating kapwa at ating mga  kasama”, kaya posibleng “sobrang madaldal ka at nais mong bawas-bawasan ang iyng kadalahiraan kaya nakapanaginip ka ng  toothbrush at toothpaste.”

Pero yon nga, kahit ano pa ang hinahangad mo sa kasalukuyan, “pagandahin ang iyong sarili sa partikular ang iyong ngipin at iba pang bahagi ng iyong mukha o dili kaya’y maging pleasant o kaayaaya sa pakikiharap at pakikisalamuha sa iyong mga kakilala at kaibigan”,tulad ng nasabi na, “malabo mo pa rin itong magawa sa kasalukuyan, ang nasabing unconscious wish mo na ito,  dahil nga ng pumunta ka sa tindahan ay wala ka namang pera o wala ka namag pambili ng bagay na bibilin mo!”

 Samantala anu’t-anuman ang katotohanan, may isang pang medyo at sadyang nakababagabag at nakagugulo sa iyong panaginip at ito ay ang tungkol sa iyong medyas.

 Tama ang tanong mo “Ano kaya ang ilalagay ni Ryan sa medyas mo at bakit niya ito lalagyan ng kung anumang bagay na yon?”

 Pero alam ko na ang sagot. Ganito ‘yon:  “Naaalala mo ba noong mga bata pa tayo kapag malapit na ang Pasko?”

 Ano ang sinasabi ni Mommy at ni Daddy sa Christmas eve at kapag dumarating na ang Simbang Gabi?  “Magsabit daw tayo ng medyas sa bintana o sa Christmas tree dahil pagdating ni Santa Claus tiyak na ang wish nating mga laruan at mga candies ay ilalagay ni Santa Claus sa ating medyas”.

Sa madaling salita, Wendy, “anuman ang hinihiling at hinihintay mo sa kasalukuyan, maaaring ito ay magkatotoo, higit lalo kung ito ay may kaugnayan sa love life”, ang problema nga lamang ay “tinatangihan mo pa sa kasalukuyan” dahil sa salitang lumutang sa iyong panaginip na: “sasapakin mo si Ryan na maglalagay ng isang bagay sa iyong medyas.”

Sa madaling salita, kung pagtutugma-tugmain ang mga paliwanag na binanggit na sa itaas lumilinaw na ngayon ang kahulugan ng iyong panaginip  Wendy, “May isang bagay na gustong-gusto mong mangyari sa panahong ito ng iyong buhay at mangyayari na sana ito, pero naguguluhan ka at kunwari ka pang tinatanggihan mo,” kaya naman ang “mga simboliko na gusto mong bumili pero wala ka namang pera at may ilalagay si Ryan sa medyas mo pero sasapakin mo” ay ipinapakita at humuhulagpos sa iyong panaginip habang ikaw ay natutulog, upang i-remind ang iyong sarili ng dalawang bagay:  

Una, “May bibilin ka, pero dapat magdala ka ng pera upang tuluyan mong mabili ang bagay na bibilin mo.”

 At pangalawa, “Hayaan mong ilagay ni Ryan ang ilalagay sa medyas mo at wag mong sapakin!”

Kapag nagawa mo yan sa katotohanan, (Oo, hindi sa panaginip kundi sa katotohanan), hayaan mo lang ang “langit ang magpasya at wag kang kumontra”, tulad ng nasabi na, “kusang magkakatotoo ang unconscious wish mo na maaaring hindi mo pa maapuhap kung ano ito sa kasalukuyan” pero ako nahuhulaan ko na kung ano ito: “Ang magka-boyfriend na at bilang isang tipikal na teenager o nagdadalaga, ang makaranas ng isang masaya at lehitimong karelasyon na makakasalo mo sa lungkot at saya  na siya ring kukumpleto sa kasalukuyan mong buhay at magbibigay sayo ng walang kahulilip na ligaya ay tunay na tunay ngang sa malapit na hinaharap ay paparating na!”

More Dreams

Astrology

Palmistry

Previous Horoscope

2 COMMENTS

  1. Gandang araw po muli at eto na nman po ako.. Pacnsya na po kc plge po tlga akong nanaginip e. Nagsimula po ung panaginip ko na maraming nkakalat na mga laruan at mga sulat na papel. Itatapon na daw po ung mga laruan at inisa isa kong damputin. Tapos bigla kong naisip na ibigay ko nlng ung mga laruan dun sa bata na palageng nsa gilid ng gym( pero sa totoong buhay po wla nman bta sa gilid ng gym na pinupunthan namin pero sa pnaginip ko po ay plge daw po my nktambay na batang lalaki sa gym) taz inipon ko po lahat ng mga laruan sa karton. Taz ung ibang mga sulat pinatapon na except daw dun sa sulat na bnigay ko ky magie hnd daw po nya pinatapon sbi nya “wag eto kc special to” taz npangiti ako sknya. Tapos takbo raw ng takbo ung anak ni magie na btang babae cguro po ay mhigit 1year old lng sya. ( pero sa totoong buhay po wla pa po tlga anak cla magie). Tapos andun asawa ni magie nkhiga sa sahig kc bnbantayan anak nya na sobrang likot (pero bkt po kya hnd un ang itsura ng asawa ni magie ibang lalaki po kc ung nsa pnaginip ko pero sa pnaginip ko sya ung asawa) tapos ngtanong sya kung anong oras na? Kya npatingin ako sa labas sa sikat ng araw kya sbi ko mga bandang alas tres na pero pgtingin ko sa relo na nsa wall ay saktong 2pm plng po. Hanggng dyan lng po ung pnaginip ko. Maraming Salamat Po.

    Yung una ko nman po panaginip kgabe nakita ko po ung kinakasama ko na may dala-dala po syang itak. Tapos tinignan ko syang mabuti kung lasing ba sya? Mukhang nkainom po sya pero hnd nman sya lasing.. Anu po kya ibgsbhn nun???

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here