ISANG PAGKAKATAON

311

            BINASA NI ROY ANG MESSAGE SA KANYANG CELLPHONE.

            Nakita ko si Mylene at Jake together just now, pare.

            Tex message iyon ng isa niyang kaibigan. Natigilan si Jake sa pagkain ng kanyang lunch. Nawalan siya bigla ng gana.

Agad na kumunot ang noo nito.

            Nag-dial siya ng numero sa kanyang cellphone. Tatawagan niya ang kaibigang nag-text noon . Gusto niyang makatiyak sa nakita nito.

            “Hello…pare, sigurado ka ba sa nakita mo?”

            Sumagot ang nasa kabilang linya ng cellphone, “Oo, pare. Lalapitan ko nga sana sila pero natigilan ako. Naalala agad kita.”

            “Saan mo sila nakita, pare?” nasa tinig na ni Roy ang pagkainis.

            “Alam mo ba ‘yung building kung saan may condo unit si Jake? Doon ko sila nakita, hindi ko lang matandaan ang pangalan ng building.”

            “Alam ko ‘yon. Salamat, pare.” Iyon lang at pinutol na nito ang pakikipag-usap sa kaibigan.

            Ngayon ay inis at matinding selos ang nararamdaman ni Roy.

            Ex-boyfriend ni Mylene na kanyang live-in partner ang sinasabi ng kaibigan niyang nakitang kasama ng babae.

            Di biro ang paninibugho niya noon habang mag-on pa ang lalaki at si Mylene. At ang mabigat, dahil isa ring lalaki, batid niyang alam ni Jake na may lihim siyang pagtingin sa girlfriend nito, dahilan kung bakit nananadya naman noon ang lalaki na inggitin siya at tila ipamukha sa kanya kung anong meron ito na pinapangarap niyang makuha subalit hindi niya magawa.

            Pakiramdam nga niya ay siya na ang pinakamaligayang lalaki noon nang mabalitaan nag-break na sina Mylene at Jake. Nahuli kasi ng dalaga ang pambababae ng nobyo.

            Hindi pinalagpas ni Roy ang pagkakataong iyon.

            Niligawan niya ang dalaga.

            Ipinakita niya ang wagas na pagmamahal dito.

            Ang kahandaan niyang burahin ang pangit na alaalang iniwan ng dating nobyo sa isip at puso nito.

            At gamutin ang anumang pait na nararamdaman ng dalaga at iparamdam ang tunay na ninanais ng kanyang puso.

            As fate would have it, it was just a matter of time and healing for Mylene.

            Isa na iyon sa pinakamasayang araw sa buhay ni Roy nang sagutin siya ni Mylene.

            Dalawang taon na silang magka-live in.

            At ngayon, naritong muli ang lalaking iyon at umeentra sa kanilang pagsasama ni Mylene.

            Hindi siya makakagulo sa aming relasyon! Hindi ko iyon hahayaan! Nagngingitngit na sabi ng kanyang isip.

            Pupuntahan niya ngayon din ang kasintahan. Alam niya kung saan ang condo unit ng lalaking kausap nito.

            Ilang saglit pa’y sakay na siya ng kanyang kotse.

            Lalong tumitindi ang kanyang pagkainis dahil hindi rin niya makontak sa cellphone ang kasintahan.

            Cannot be reached ang cellphone nito.

            Wala na sa lobby si Mylene at si Jake.

            Nagpasya si Roy na puntahan mismo ang condo unit ng lalaki.

            Hindi man siya sigurado, may mga nakagagambalang isipin na pumapasok sa kanyang isipan. Mga bagay na lalong nagpapaigting ng kanyang pagkainis.

            Nang kanyang paninibugho.

            Eksaktong malapit na siya sa pinto ng unit ni Jake ay siya namang bukas ng pintuan nito.

            Si Mylene, naroon ito at kasalukuyang palabas sa unit ng lalaki.

            “R-Roy!” halatang nagulat sa pagkasambit ng kanyang pangalan si Mylene.

            Nang mga sandaling iyon ay lagpas na sa ulo ang paninibughong nararamdaman ni Roy.

            “Kaya pala kahit tawag ko ay hindi mo sinasagot. Kasama mo pala ang lalaking ito!” galit nitong sabi.

            “ Roy , I can explain this. It was purely business kaya kami nagkita ni Jake,”

            “Business? Sa condo unit niya?” makahulugang ngiti ni Roy.

            “Pare, totoo ang sinasabi niya,” singit ni Jake.

            “Huwag kang sasabat kapag hindi ka kinakausap, pare,” tiningnan pa nito nang matalim ang lalaki.

            Ramdam na ni Mylene ang tensyon na namamagitan sa dalawang lalaki. Niyaya na nito ang nobyo.

            “Halika na, Roy. I’m sorry, Jake,” sabay hawak nito sa kamay ng nobyo.

            Tahimik na nilisan ng dalawa ang building na iyon.

            Wala silang imikan hanggang sa loob ng kotse.

            Dumiretso na sila sa tinutuluyang apartment.

            BLAGGG!!!

            Halos mabingi si Mylene sa lakas ng hampas ng pintuan nang isara ito ni Roy.

            “Anong monkey business ang ginagawa ninyong dalawa? At sa loob pa ng condo unit ng lalaking iyon!” paasik na sabi nito sa nobya. “Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan! Mabuti at nakita kayo ng isang kaibigan ko na nagmamalasakit sa akin!”

            PLAKK!!

            Nakabibingi rin ang sagot na sampal ni Mylene kay Roy .

            Galit at garalgal ang tinig nang magsalita ang dalaga, “Wala ka bang tiwala talaga sa akin! Alam mo ba ngayon…galit na galit ako sa iyo! Kung puwede lang umalis na ako sa iyong harapan para hindi na kita makausap at makita!”

            “Oo, magkasama nga kami ni Jake dahil may negosyo siyang ipinapasok sa kumpanya namin! Kumain kami at sumakit ang tiyan ko kaya napilitan akong pumayag na sa condo na niya mag-cr. Ngayon, alam kong hindi ka maniniwala, dahil ganyan kakitid ang utak mo!” tuluy-tuloy na paliwanag ng dalaga sabay talikod nito.

            Hindi agad nakatugon ang lalaki. Nginangatngat pa rin ng matinding selos ang kanyang sarili.

            “Bakit pati ang cellphone mo hindi makontak?”

            “Ayan! Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabuksan! Sige, buksan mo!”

            Tinalikuran na siya ng Mylene.

            “Saan ka pupunta?”

            Umiiyak na si Mylene nang muling harapin ang nobyo. “Sawang-sawa na ako sa ganito, Roy! Kung hindi ka magtitiwala sa akin…mabuti pang tapusin na natin ang relasyon ito. Lagi lamang tayong mag-aaway sa sobrang pagseselos mo.”

            Napalunok si Jake sa narinig na sinabi ng kaharap. Kahit na nginangatngat pa rin ng matinding selos ang isipan ay malinaw ang mga narinig niya.. Ang nais na pakikipaghiwalay sa kanya ni Mylene.

Pride ang umiral sa lalaki kahit na sinasabi ng isip nito na ayusin nila ang away na sinimulan niya.  “Kung iyan ang gusto mo! Bahala ka!” matigas na sagot nito.

Iyon lang at tuluyan nang pumasok sa kanilang kuwarto si Mylene.

Nag-empake ito ng kanyang mga gamit.

Ilang minuto pa ay narinig na lamang niyang bumukas at sumara muli ang pinto. Ilang saglit pa ay ang pagharurot ng sasakyan ni Jake.

Masaganang pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Napapikit siya nang mariin.

Aminado siya sa sariling masakit rin ang gagawing pakikipaghiwalay kay Jake. Mahal niya ang lalaki. Pero hindi na niya kayang tagalan ang pagiging sobrang seloso nito.

Nasasakal na siya sa masamang ugali nito.

Panginoon, gabayan mo po ako sa aking gagawin! Gabayan mo rin po si Jake…sana’y magliwanag ang kanang isipan, taimtim niyang dalangin.

Samantala, dumiretso si Jake sa isang resto-bar. Doon ay pilit niyang lilimutin kahit panandalian ang mga nangyari kani-kanina lamang sa pamamagitan ng alak.

Hindi kasi niya matanggap sa sarili na kay Mylene pa magmumula ang pakikipaghiwalay. Ang buong akala niya’y hindi iyon magagawa ng nobya.

Nagkamali siya.

Hatinggabi na nang makauwi ng apartment si Jake.

Wala na nga sa kanilang apartment si Mylene. Bitbit na nito ang mga gamit.

Nag-iisa na siya sa apartment na iyon.

Sumaklob ang matinding kalungkutan sa kanyang sarili.

Napalugmok siya sa sala.

At kahit lango na siya sa alak, malinaw sa kanyang isipan na tuluyan na nga siyang iniwan ni Mylene.

Naglandas ang mga luhang iyon sa dalawang pisngi niya.

Para siyang isang musmos na umiyak.

“Mylene…huh u hu!”

SA ISANG KAIBIGAN PANSAMANTALANG NANULUYAN SI MYLENE.

Doon niya balak simulang muli ang buhay.

            Nakapagdesisyon na rin siyang ipinid na muna ang puso sa anumang tawag ng pag-ibig. Masakit na ang dalawang beses na kabiguang naranasan siya dulot ng pag-ibig.

            Aniya, bibigyang panahon muna niya ang sarili.

            Ang kanyang propesyon.

            Pilit niyang iwinaksi sa isipan at sa puso ang hapding idinulot ng huli niyang pakikipagrelasyon.

            Masuwerte si Mylene dahil marami sa mga kaibigan niya ang sumuporta sa balak niyang gawin. Kaya naman hindi naging mahirap sa kanya ang transition sa pagiging isang “single” muli.

            It was just a matter of time at muli, naroon siya on top of what she does best.

            Ang pagma-manage ng kanyang propesyon.

            She used to be the top account executive ng kanyang pinapasukang multi-national company.

            Medyo naglay-low nga lamang siya simula nang makipag-live in na siya kay Jake. To give time sa kanilang relasyon.

            Ngayon nga ay nakabalik siyang muli.

            Si Jake, nakapag- move on na rin ito without Mylene. Sa tulong din ng kanyang mga kaibigan ay nakayanan nito ang inisyal na hirap na limutin ang isang mapait na kabanata sa kanyang buhay—ang pagkawala ng pinakamamahal na si Mylene.

            Natutunan na ring tanggapin ng binata ang mga naging pagkukulang niya, lalo na ang kanyang pagiging seloso, na siyang punu’t dulo ng kanilang paghihiwalay ni Mylene.

            Sayang na nga lamang na sa puntong natutunan na niyang baguhin ang mga negatibong aspeto sa kanyang sarili, saka naman tuluyang nawala sa kanya ang kasintahan.

            Gayonman, iniisip na lamang niyang pareho na silang masaya living their single lives again.

            Hanggang sa isang pagkakataon.

            HUUUPPSSS!!!

            NAKUPPPP!!!

            “Sorry, miss. Hindi ko sinasadya!” mabilis na paumanhin ni Jake.

            “No. Ako ang hindi nakatingin sa—“

            “JAKE! K-Kumusta ka na!”

            “Mylene! Ikaw ba ‘yan! You look so great!”

            “Salamat, kung gano’n! Ikaw rin naman, ang ganda ng katawan mo.”

            Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

            Walang anumang mga katagang sumunod na lumabas sa kanilang mga bibig. Naroon lang sila, nakatayo habang tahimik na pinagmamasdan ang isa’t isa. Animo’y nag-uusap ang kanilang mga puso.

            Si Jake ang bumasag ng katahimikan…, “Siguro sasabihin mong awkward…pero after a year na hindi kita nakita… na miss kita. ‘Yung company mo.”

            “Not at all awkward, Jake. I’ll be honest with you…hindi ko rin nga akalain na nang makita kita ngayon…I also miss you pala.”

            “Kung may time ka…puwede ba tayong magkitang muli…say, dinner? O kahit ano…basta makasama kita,” nakangiting pakiusap ng lalaki.

            “I like that, Jake. Sige…”

            Habang hindi pa rin napupuknat sa pagkakatitig sa isa’t isa ay may kinuhang calling card si Mylene at iniabot sa kaharap, “This weekend I’m free. Asahan ko ba ang tawag mo?”

            Maluwag na ngiti ang itinugon ng lalaki. Bati niyang ang isang pagkakataon na iyon ay maraming posibilidad na mangyari. At masaya siya sa nakikita niyang maaaring maganap…sa kanilang dalawa ni Mylene….

                                                            (wakas)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here