Isang napaka epektbitong ritwal upang tuloy tuloy ang daloy ng pananalapi

Kung ikaw ay naniniwala sa pampasuwerte at ritwal. Subkan mo ito upang ang pera ay laging maging maaamo at lalapit sayo.

Narito at ating alamin kung papaano?

Kumuha ng asukal, uling at lalagyan tulad ng maliit na kaserola o kaldero. Ang asukal ay kilala din sangkap na ginagamit sa mga ritwal partikular pagdating sa pag-ibig

Bukod doon ay maganda din ang asukal na gamiting pampasuwerte.

Ilagay ang uling sa kaldero maaari tayong gumamit ng kawali na maari natong gawing patungan sa ating kaldero saka mo sindihan o pabagahin ang uling.

Pagnagbaga na ang ating uling kumuha ng isang kutsara ng asukal brown ay puti o kaya ay puti habang unti unti-unti mong ibinubuhos ang asukal sa uling ay humiling ka.

Tulad nalang ng gusto ko magkaroon ng maraming salapi ang salapi ay walang tigil na dadaloy sa akin o kung anuman ang iyong hiling. Gawin mo ito ng may positibong pag-iisip isang daang porsyentong paniniwala at tiyak ikaw ay magtatagumpay.

Hayaan ang umusok ang naglakbay ang usok ng asukal sa loob ng tahanan ito ay mahusay magtaboy ng mga negatibong enerhiya at umakit ng suwerte at good energy papasok sa tahanan hayaan itong umusok sa loob ng labinlimang minuto saka po ninyo ito ilabay ng tahanan at hayaan na tuluyang maabo ang uling kapag maabo ay saka ito itapon sa lupa.

Gawin po ito ng martes o biyernes ng alas 6 hangang alas 10 ng umaga

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here