Isa sa pinakamalaking bansa sa mundo ang China. Kung noon, ang tawag sa kanya ay ‘The Sleeping Giant’, ngayon ay nagising na ang ‘higante ‘ kaya ang China ay kabilang na sa mga makapangyarihang bansa.

880

Isa sa pinakamalaking bansa sa mundo ang China. Kung noon, ang tawag sa kanya ay ‘The Sleeping Giant’, ngayon ay nagising na ang ‘higante ‘ kaya ang China  ay kabilang na sa mga makapangyarihang bansa.

Kahit pa mayroong dispute sa teritoryo ay hindi naman nagmamaliw ang relasyon ng nasabing bansa sa Pilipinas kaya naman hindi na nakapagtatakang napakaraming mga Pilipino ang ngayon ay gustong magpunta ng China upang magtrabaho.

At isa sa pinakapatok na trabaho ngayon sa China ay ang pagiging English teacher.

At dahil na rin isa sa matatawag na magagaling pagdating sa nasabing lenggwahe ang mga Pinoy ay hindi na nakapagtataka na parami nang parami ang mga binubuksang pintuan para sa mga Filipino teachers.

Dahil hindi lamang magagaling pagdating sa pagtuturo ng nasabing lenggwahe ang mga Pilipino kundi  mababait at responsable rin. Hindi na tuloy kataka-taka na parami ng parami ang mga employer sa China na naghahanap ng mga Pilipinong guro upang magturo ng wikang Ingles.

Sino naman kasi ang hindi kakagat sa offer ng China kung hindi mabilang ang napakaraming benepisyo na makukuha mo oras na nakapagtrabaho ka roon bilang isang guro:

  1. Ang buwanang sahod ay mahigit kumulang sa 60,000 hanggang 165,000 pesos
  2. May libreng bahay na iyong tutuluyan pagdating mo sa nasabing bansa
  3. Ang work visa na tutulungan ka nilang mag-provide
  4. Health insurance
  5. Airport pickup
  6. Free flights

 

Para sa bansang kakarampot na sahod lang ang ibinibigay   guro na kailangan pa niyang pagkasyahin sa loob ng isang buwan , hindi na nakapagtatakang dumating ang araw na walang matirang guro sa PIlipinas at naroon na si China.

Lalo pa at hindi naman gaanong mahirap ang mga requirements na hinihingi ng mga paaralan nila upang ikaw ay matanggap:

  1. Bachelor’s degree
  2. Dalawang taong experience sa pagtuturo
  3. TEFL o TESOL certification
  4. Non-criminal record
  5. Medical record

At kahit pa sabihing mahirap at medyo matagal ang proseso bago ka makakuha ng working visa ay ni hindi mo mararamdaman ang hirap lalo pa at napakaraming magagandang bagay ang naghihintay sa’yo oras na makapagtrabaho ka na roon.

Marami nga naman kasi ang paaralang naghahanap ng mga guro sa ating bansa ay napakaliit na nga ng sahod ay wala pang health insurance na isa sa pinakaimportanteng benepisyo na matatanggap ng isang guro na halos magkanda-kuba na sa pagtatrabaho at pagsaway sa napakapasaway na mga estudyante.Ang senaryong ito ay ang common na sitwasyon lalo pa ng mga guro sa mga pribadong paaralan. Kung gugustuhin naman na makapasok sa public schools ay sangkatutak na hirap muna ang iyong pagdadaanan na tila ka pa dadaan sa butas ng karayom bago makapasok.

Ayon sa kanta ni Gloc 9: “Napakaraming guro sa amin ngunit bakit tila walang natira?”

Ngunit, hindi na nakapagtataka ang bagay na ito lalo pa at maliit na nga ang sahod ng ating mga guro ay napakamahal pa ng mga bilihin at bayarin—tubig, kuryente, groceries at maging pamasahe.

Sana lamang ay hindi magkatotoo ang sinabi ng awitin na wala ng matitirang guro sa ating bansa pagdating ng araw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here