Isa Lang Ang Dapat Piliin Ng Taong Tres

Sa isa nating artikulo ay tinalakay natin kung gaano kadakila pagdating sa pag-ibig ang mga taong ipinanganak ng 3, 12 at 21. Kung hindi nila makakatuluyan ang taong nilalaman ng kanilang puso ay minamabuti na nilang tumandang dalaga o binata. Para kasi sa kanila, ang taong karapat-dapat lang sa kanila ay ang taong laman ng kanilang puso.

Sa aking pag-aaral ay napagtanto ko na ang mga Taong Tres ay hindi magtatagumpay sa kanilang career kapag mayroon silang lovelife at hindi sila nagkakaroon ng buhay pag-ibig kung maganda ang takbo ng kanilang negosyo o trabaho. Samakatuwid, iisa lang ang maaari niyang piliin sa dalawang ito. Career o Pag-ibig?

Ang Taong Tres kasi ay masyadong focus sa iisang bagay — sa kanyang emosyon. Kaya kung nagtatrabaho siya ng husto para mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya ay nangyayari naman. Ngunit kapag may pag-ibig ng pumasok sa kanyang buhay ay nasisira ang kanyang konsntrasyon. Kaya kalimitan ay nagiging taong bahay ang mga taong tres dahil pinipili nilang tumutok sa kanilang pamilya.

Ngunit sa panahon naman nating ito ay maaari ring kumita kahit nasa bahay lang kaya kung ang partner ng Taong Tres ay isang Taong Singko. Sila naman ang mga taong ipinanganak ng 5, 14 at 23. Masuwerte sila sa negosyo lalo na kung ipapahawak nila sa taong kanilang mapagkakatiwalaan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here