ISA KA BA SA KANILA? SINO ANG MIRROR EMPATH AT ANO ANG KALBARYONG DINARANAS NILA SA ARAW-ARAW

0
631

Mayroon ka bang kakilala o katrabaho na tila yamot na yamot sa iyo kahit wala ka namang ginagawa sa kanila? Ikaw ba iyong tipo ng tao na kahit saan pumunta o ilagay, may isang tao na laging inis na inis sa iyo kahit nananahimik ka lang naman?

         Marahil, ikaw ay isang mirror empath.

         Ang isang empath ay may kakayahang maramdaman ang saloobin at emosyon ng kaniyang kapuwa. Para higit na maunawaan kung ano-ano ang mga katangian ng isang taong empath, i-click ang link upang mabasa ang kabuuang article ko tungkol dito: https://philippineone.com/kapangyarihan-july-31-paano-maging-empath-321/

         Ang mirror empath ay isang variation o uri ng empath. Sila ang klase ng empath na may kakayahang i-reflect ang negatibong karakter o kakulangan ng kaniyang kapuwa, dahilan upang kainisan siya.

Samakatuwid, hindi sa mismong mirror empath naiinis ang isang tao, kundi mismong sa repleksiyon ng kaniyang sarili na nakikita niya o nasasalamin sa mirror empath. Sabi nga, truth hurts. Sa Psychology, normal na kinaiinisan natin ang sarili nating pag-uugali kapag nakita natin ito sa iba. Ito ang tinatawag na mirroring. Maldita ka, pero inis na inis ka kapag may nagtataray. Mayabang ka, pero yamot na yamot ka sa mga hambog. Ito rin ang paliwanag kung bakit ang isang lalaki o babae ay astang homophobic. Galit sila sa mga bading o sa tomboy sapagkat sa kalooban nila ay homosexual sila at hindi lamang nila ito maipakita dahil sa inhibition. Kaya nagagalit sila sa mga lantad na bading at tomboy sapagkat sila ay may lakas ng loob na magpakatotoo, bagay na hindi nila kayang gawin.

         Ganito ang kaso ng mga mirror empath. Sila ay may malakas na frequency vibration o aura, dahilan upang ma-intimidate sa kaniya ang mga tao. Kadalasan silang kinaiinggitan ng lahat sapagkat mayroon sila, na wala sa iba.

         Kaya kung may laging may isang taong inis na inis sa iyo kahit wala kang ginagawa sa kanila, huwag kang magdamdam.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here