Iringang Robredo At Marcos, Hindi Matatapos Sa Resulta Ng Recount

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Ilang taon na ring ipinaglalaban ni dating Senador Bong Bong Marcos ang tunay na resulta raw ng pagka bise presidente noong election 2016. Matibay ang kanyang paniniwala na siya ang nagwagi sa naturang eleksyon. Sa partido naman ni VP Leni Robredo ay matibay din nilang ipinaglalaban na tama at makatarungan ang naging resulta ng nasabing eleksyon. Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang kanilang bangayan tungkol dito at wala sa kanila ang may balak sumuko. Tatlong Muslim provinces ang apektado sa usaping ito ng dayaan.Tinututukan ng sambayanan ang isyung ito na inaasahan ng ibang magtutuldok sa iringang Marcos at Robredo sa oras na mailabas na ang bagong resulta.

Pero itaga nyo sa bato, simula pa lang ito ng mas malala at walang katapusang iringan ng dalawang panig. Sa karakas ng dalawang ito ay walang sinuman sa kanila ang yuyukod para sa isa. Lalo pa at maraming pulitiko ang nasa likuran nila. Sa halip na ito ang tutukan nila ay mas dapat na bigyan nila ng pansin ang napakaraming hinaing ng mamamayang Pilipino. Pero tulad nga ng sinabi ko, wala sa kanila ang magpaparaya sa ngalan ng kapangyarihan sa pwesto. Ayon pa kay Robredo sa isang interview,sa kanilang dalawa ni Bong bong ay hindi siya ang may habit na pagnanakaw at pagsisinungaling . Sa bawat salita na bibitawan ng bawat kampo ay tiyak na may katugon ito. Kaya’t paano ito matatapos?

Sinuman kina former Senator Bongbong Marcos at VP Leni Robredo ang magwagi sa isinasagawang recount, wala namang magbabago. Tiyak na pareho pa rin ang mga problemang kakaharapin nating mga ordinaryong mamamayan. Pareho pa rin ang mga senaryong ating pagdaraanan. Kayo na lang ang bahalang humusga kung sino ba talaga sa kanila ang mas karapat dapat para sa posisyong pinag-aagawan nila. Ang mahalaga, kung isa kang mabuting mamamayan ay nagampanan mo ng tama ang karapatan mo sa pagboto. Magkagulo man sila dahil dito ay bahala na si Lord sa kanila diba?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here