Ipaligo mo ito at kamtin ang mga suwerteng dadating

Kumuha ng isang buto ng sunflower. Kumuha ng katamtamang laki ng kaserola at lagyan mo ito ng tubig mula sa inyong gripo hangang sa ito ay mangalahati, saka ito pakuluan sa apoy ng mahinang mahina at wag itong tatakpan habang kumukulo ay kumuha ng puting malinis na papel isulat dito ang iyong kompletong pangalan saka ilagay sa kumulong tubig at sunod mong ilagay ang mga buto ng sunflower wag itong tatakpan. Hayaan itong kumulo s loob ng limang minuto. Paglipas ng limang minuto ay pamaigin mo ito at pagmalamig na ay siya mong gamiting panghuling banlaw ng inyong katawan. Bago magbuhos ay sabihin lahat ng kamalasan ay aalisin at papasok ang lahat ng suwerte. Magandang ito gawin sa araw ng martes o biyernes bago matulog. Maaari din ito gawin at ang tubig na pinagkulaan ay isaboy sa inyong front door.

Maaari ding maglagay ng tatlong buto ng sunflower sa inyong mga pitaka upang hindi ito masaid sa pera.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here