Ion Perez, swak na swak kay Vice Ganda

Hindi man sila ang ordinaryong loveteam na talaga namang kinakikiligan pa rin ang kanilang tambalan. Paano ba naman kasi, nagawa na nilang maipahayag sa madlang pipol kung ano ba ang tunay nilang relasyon. Maaaring hindi tuwiran pero makikita mo naman sa mga pictures nila, sa mga panunukso ng kanilang kasamahan na sobra talaga silang nagmamahalan. Kita iyon sa kinang ng kanilang mga mata.

Kahit naman ano pa ang gender mo, kapag nagmahal ka, hindi na dapat kuwestiyunin pa ninuman. Basta ang mahalaga lang naman ay iyong nagkakaintindihan kayong dalawa. Kaya naman masasabi kong aprub na aprub ako sa pagmamahalan nina Ion at Vice. Kita naman kasi sa bawat kilos at salita nila ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Nang mga nakaraang relasyon ni Vice ay parang makikita sa kanya ang sakit dahil kahit magkarelasyon sila ay parang hindi siya talaga maipagmalaki. Sa tingin ko nga ay ikinahihiya siya dahil sa hindi naman siya tunay na babae. Kaya naman, nagagawa lang ipadama ni Vice ang pagmamahal niya sa mga ito sa pagbibigay ng mga materyal na bagay.

Samantalang kay Ion ay parang proud na proud siya sa kanilang relasyon.

Hindi ko man kilala ng personal si Vice pero parang alam ko na ang kanyang pagkatao. Lagi ko naman kasi siyang napapanood sa telebisyon at hindi naman niya ipinagkakaila kung ano at sino siya. Sa palagay ko nga, ang pagiging totoo niya ang dahilan kung bakit minahal siya ng husto ng madlang pipol at ‘yan din ang dahilan kaya marami sa atin ang masaya para sa kanyang lovelife.

MAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here