Importansya ng Malusog na Katawan sa Panahon ng Pandemya Covid-19

82
Selection of healthy food on rustic wooden background

Batid nating lahat na buong mundo ay apektado ng pandemyang Covid-19. Naging limitado ang lugar na ating ginagalawan dahil maraming establisyimento ang sarado para na rin sa ikabubuti ng mga mamamayan. Mahalagang  sumunod tayo sa mga panukalang batas na itinakda ng ating pamahalaan upang mapigilan ang paglaganap ng pandemya.

Bilang isang ina, asawa, at anak, higit anuman ngayon natin mas kailangang pangalagaan ang ating kalusugan hindi lang para sa ating sarili kundi pati na rin sa mga taong umaasa sa atin.  Pero paano??

 Ito ang ilan lamang sa mga paraan sa pangangalaga ng ating kalusugan.

1.Kumain ng pagkaing masustansiya at sagana sa bitamina.

*Napapangalagaan nito ang ating katawan laban sa mga malalang sakit tulad ng sakit sa puso, diabetes at cancer.

2. Uminom ng 8 baso ng tubig sa loob ng isang araw.

*Ang laway ang tumutulong upang matunaw ang pagkain at   nagpapanatili sa ating bibig, ilong at mata na maging moist at upang maiwasan ang pagkasira at pagiging tuyo ng ating balat. Nakakatulong din ang pag inum ng tubig  upang mapanatiling malinis ang ating bibig. Ang pag inum ng tubig kumpara sa ibang inumin ay nakakatulong upang hindi mabulok ang ating mga ngipin.

3. Ehersisyo.

*Ang palaging pag eehersisyo ay nakakadagdag sa lakas ng ating mga kalamnan. Ito rin ay nagdadala ng oxegyn at nutrients sa ating mga tissues at nakakatulong upang mas maging mainam ang daloy ng ating dugo sa ating katawan.

Kapag ang ating puso at baga ay malusog, mas may enerhiya tayo sa pag gawa ng ating mga gawain.  Nakakatiyak din tayo na  tayo ay mas maaasahan ng ating mga mahal s buhay.  Tandaan, “Kalusugan ay Kayamanan”.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here