Ilang bagay na dapat malinaw sa OFWs tungkol sa POEA at OWWA (huling hirit bago buwagin?)

Alam nating lahat na gustong madaliin ni Pangulo Rodrigo Duterte ang pagbuo ng Department of OFWs o Department of Overseas Filipinos by December this year ayon sa kaniyang pahayag noong July 2019 sa isang selebrasyon ng pasasalamat para sa mga OFW. Kaya naman ikinasa agad ni Senator Christopher Bong Go ang Senate Bill 202 o ang Department of Overseas Filipinos Act of 2019 na may counterpart na House Bill 2  sa House of Representatives, authored by Congressmen Joey Salceda, Alan Peter Cayetano at Pulong Duterte. Nangako si Rep. Salceda na dalawang linggo bago mag plenary sa October 5 ay naipasa na ito sa Mababang Kapulungan.

Samantala, napag-utusan naman ang Department of Labor and Employment (DOLE), na kasalukuyang may mandato sa mga OFWs sa pamamagitan ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na mag sumite ng draft para sa bubuuing departamento base sa kanilang karanasan sa labor migration at pag-aasikaso sa overseas employment ng mga Filipino workers. 

Ano ang ibig sabihin nito para sa POEA at OWWA?

Sa Senate bill, nakasaad na bubuwagin ang POEA at OWWA at isasailalim ang functions ng dalawang ahensya sa ilang mga undersecretaries. Sa DOLE proposal naman, hindi bubuwagin ang dalawang ahensya kundi ililipat lamang sa bagong departamento.

Habang pina finalize pa at binubusisi ang pagbuo ng batas para sa bagong departamento, tuloy lang ang kalakaran ng proseso ng pagpapaalis sa OFW. Kinakailangang dumaan sa POEA ang employment process.  Nararapat na sa lisensyado at accredited Philippine recruitment agency lamang mag apply ang gustong mag abroad. Para malaman kung legit ang trabahong inaalok ng isang recruiter, pwedeng ma check sa POEA website o magpunta sa naturang opisina ng personal. At, kailangan ang OEC, isang dokumento ng POEA, para sa mga OFW na nagbabalik-bansa pansamantala. Ang nasabing OEC ng POEA ay makukuha online https://www.bmonline.ph at may bayad na P100.

Magkaiba ang POEA at OWWA, mga OFWs, bagamat parehong under ng DOLE.

Ang POEA ay nagsisilbing regulatory body ng mga Philippine recruitment agency. Masasabi lamang na dokumentado ang OFW, o legal na magtatrabaho sa ibang bansa, kung ang kanyang employment contract ay may stamp ng POEA. Work visa ang hawak ng OFW, hindi tourist o visit visa. Ang pangalan ng OFW, Philippine recruitment agency, foreign employer, at foreign employment agency ay nakasaad sa kontrata at dadaan sa verification ng POEA at Philippine Overseas Labor Office (POLO) ng bansang pupuntahan. GAnon din ang proseso kung name hire o direct hire, o walang recruitment agency.

Samantala, ang OWWA ay nagsisilbing social welfare office ng OFW. KInailangang magbayad ng $25 o P1,310.20 sa kasalukuyang palitan ng piso sa dolyar ang OFW para maging miyembro ng OWWA ng dalawang taon at makapakinabang ng mga programa at serbisyo nito. Halos lahat ng programa ng OWWA ay may monetary benefit. Sa halagang $25, may death insurance na P100K – P200K kung mamatay ang OFW sa panahong aktibo ang membership niya sa OWWA. Pwede ding mag apply for scholarship para sa college education ng qualified na anak ng OFW, o skills training ng OFW mismo sa alinmang TESDA-accredited training center. Pagdating sa reintegration program, may P20K na matatanggap ang OFW na mapauwi ng bansa na hindi tapos ang kontrata. May mga guidelines ang mga ito.

Importanteng malaman ng OFW na ang pakinabang sa OWWA para sa mga programang may monetary benefit ay habang aktibo pa ang membership ng OFW sa ahensya. Muli, ang OWWA membership ay may bisa ng dalawang taon lamang.

Siguro ay last ditch effort dahil mabilis na dadaloy ang six months para sa bagong departamento. Pero ang layon ay matulungang i-educate ang ilang mga OFW. Isipin natin na marami sa ating kababayan ang umaalis araw araw. Ang iba ay maaring nabiktima na dahil dumepende sa recruiter sa Facebook o ang iba naman ay nagbabakasali na mangibang bansa para magtrabaho sa maling paraan.

Maaaring magkaron ng malaking pagbabago sa proseso ng overseas employment six months from now. Pwedeng wala ng bayaran na OEC o OWWA membership kung pagbabasehan ang layon ng Pangulo Duterte na maging madali ang lahat para sa OFW. Pwedeng sa national fund lahat manggaling ang pondo para sa mga proyekto ng OFW. Sino ang makapagsasabi?

Sa ngayon, sundin lang ang proseso. Wait and see tayong lahat.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

2 COMMENTS

  1. Kung ganoon ang mangyayari na bubuwagin. Sana hindi maapektuhan yung mga benefits na naapply na at yung mga magiging beneficiaries palang sa owwa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here