Iba’t-ibang Paraan ng Panloloko

0
150

Masakit ang maloko. Para nga sa iba, mas masakit pa ang lokohin kaysa sa iwan nalang. Sa kasamaang palad, maraming mga relasyon ang nasisira dahil sa panloloko. Ang malala, ito ay nangyayari sa maraming paraan bukod sa pakikipagtalik sa ibang tao. Narito ang iba’t-ibang klase ng panloloko:

1. Pisikal. Ang pinakamadalas mangyari na panloloko. Kabilang dito ang kahit anong pisikal na gawain na dapat ay sa partner mo lamang ginagawa tulad ng pakikipaghalikan at pakikipagtalik. Madalas ito ay resulta lamang ng tawag ng laman. Ito rin ang pinakamadaling mahuli na klase ng panloloko. Ang pisikal na panloloko ay madalas pinapatawad pa rin ng karamihan basta’t ipinangako na hindi na ito mauulit.

2. Emosyonal. Ang emosyonal na panloloko ay nangyayari kapag mayroon kang mahal na iba bukod sa iyong partner. Pwedeng hindi mo inaaksyonan ang iyong nararamdaman, ngunit kung ito ay tinatago mo sa iyong karelasyon ito ay panlolojo pa rin. Hindi naiiwasan na tayo ay magkagusto sa ibang tao. Ang nakakasama ay ang patuloy na pakikipagsama sa kanila kahit na alam mo na nahuhulog ang iyong loob. Mas malala kung hindi mo natutugunan ang kailangan ng iyong karelasyon dahil sa pagkagusto mo sa ibang tao. Ang pinakamadalas na halimbawa nito ay kung may nararamdaman ka para sa isa mong kaibigan, pero hindi mo ito ipinapaalam sa iyong kaibigan at sa iyong partner para tuluyan ka pa ring maging malapit sa kanilang dalawa.

3. Flirting. Kung wala kang ginagawang pisikal at wala ka ring emosyonal na nararamdaman para sa ibang tao pero nakikipagflirt ka sa mga hindi mo kakilala, panloloko pa rin ba iyon? Ang sagot: oo. Halimbawa: nakikipagflirt ka sa iyong waitress sa iyong restaurant. Pinupuri mo siya dahil siya ay maganda. Kinuha mo ang number niya bago ka umalis ng restaurant. Kahit na hindi mo siya itext at makausap pa ulit, ito ay panloloko pa rin. Narito ang mabilis na formula na pwede mong tandaan: kung magagalit o masasaktan ang iyong karelasyon sa ginagawa mo, ito ay isang paraan ng panloloko.

4. Hindi mo mahal ang iyong partner. Masaya ka sa relasyon ninyo. Nirerespeto mo siya at hindi ka humahanap ng iba. Pero, wala ka nang sekswal o pisikal na nararamdaman para sa iyong karelasyon. Ito ay isang uri pa rin ng panloloko dahil pinapaniwala mo siya na mayroon kayong maayos na samahan pero sa totoo ay wala nang nag-uugnay sainyong dalawa. ito ay madalas makita sa mga matagal nang mag-asawa na kontento na sa kanilang buhay at ayaw na humanap ng bagong katuwang.

5. Online cheating. Kabilang dito ang pag Tinder kahit na puro hindi mo balak makipagkita sa mga match mo, cybersex sa mga random na tao sa anonymous website, at pagkakaroon ng online girl/boyfriend sa mga laro. Mahirap malaman kung ikaw ay niloloko sa ganitong paraan kung wala kang access sa personal na account ng iyong partner. Mas nagiging laganap ang ganitong klase ng panloloko dahil nagagampanan nito ang emosyonal at maging sekswal na pangangailangan ng isang tao pero hindi nila ito itinuturing na “totoo”. Para sa mga naniniwala na hindi ito masama, narito ang gabay para sainyo: kung hindi mo pwede gawin ang isang bagay sa harap ng iyong karelasyon, ito ay panloloko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here