Iba’t Ibang Paraan ng Panliligaw

Traditional way – Ito ang pinakalumang paraan ng panliligaw pero ito naman ang pinakaepektibo sa lahat. Sa pamamagitan kasi nito ay nagagawang ipakita ng lalaki sa babaeng kanyang iniibig at pati na rin sa mga magulang ng kanyang nililigawan ang kanyang tunay na hangarin. Sabi nga, wala namang lalaki ang magtitiyaga sa isang babae kung wala siyang damdamin. Kaya, asahan mong kapag ang lalaki ay umakyat ng ligaw sa babae, nagpakilala sa mga magulang at pamilya mo ng buong galang at tinanggap ang pagpapahirap sa kanya tulad ng pagsisibak ng kahoy ay asahan mong tunay ang kanyang damdamin. Idagdag pa na manghaharana siya kahit nasa makabagong panahon na tayo ngayon. Ibig sabihin, walang anuman sa kanya ang maging kahiya-hiya kung ang iniibig naman niya ay magiging maligaya.

Modern way – Ito naman ang modernong paraan ng  panliligaw na  marami rin naman ang nagkakatuluyan bagamat may ilan na hindi nagkakaroon talaga ng happy ending. Kung minsan kasi ay hindi sapat ang emails at chat para sa matagumpay na relasyon kung magkalayo naman kayo. Para kasi magtagumpay iyon kailangan ng matinding pag-ibig, pagtitiwala at respeto. Ang isang pagkakamali ay maaaring magdulot ng matinding sakit na magiging dahilan ng paghihiwalay.

Express way – Ang mabilisang paraan ng panliligaw ay maaari ngang pinaka-sweet na paraan dahil agad mong naipapahayag ang damdamin mo ng walang pag-aalinlangan. Ang tanong lang, totoo ba ang damdamin na iyon? Kung niligawan mo siya ng mabilisan dahil tiyak mo na sa sarili mo na mahal mo siya at siya naman ay matagal ng hinihintay ang iyong pagtatapat, talaga ngang magtatagumay ‘yan kaso kung ang sitwasyon naman ay nagkita kayo at nagkagustuhan, walang magiging katiyakan ang inyong magiging relasyon dahil walang matibay na pundasyon.

O, alin sa mga ito ang panliligaw na ginagawa mo o aano ka nililigawan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here