Iba’t ibang Paraan ng pakikipaghiwalay

Ano ba ang dahilan kaya nagdesisyon ka na makipaghiwalay? – Kapag hindi mo na mahal ang isang tao, nararapat lang na tapusin na ninyo ang inyong relasyon. Gayunpaman,may pagkakataon na kahit na mahal mo pa siya ay mas maigi na rin na mag-goodbye na kayo sa isa’t isa kung hindi na rin naman kayo nagkakasundo at nawawalan na kayo ng respeto sa isa’t isa.

Planuhin ang pakikipaghiwalay – Kung minsan ay hindi ka dapat maging pabigla-bigla sa’yong mga desisyon dahil maaaring ikapahamak mo lang ‘yan. Kahit naman kasi ang nais mo ay wakasan mo na ang inyong ugnayan, dapat naman na maging handa ka sa mga sasabihin mo. Iwasan mo na masaktan din siya ng bonggang-bongga dahil baka sa halip na makabuti ang inyong paghihiwalay ay makasama pa.

Iwasan mo na ang makipag-away – Tatapusin mo na rin lang ang inyong relasyon,makabubuti pang huwag na kayong mag-away. Mas maiging tanggapin na lang at mag-move on. Iyon nga lang,kailangan mo ring maging segurista kapag nakipaghiwalay ka. Dapat ay huwag mo iyong gagawin sa pribadong lugar ang pakikiaghiwalay para hindi niya maisipang ikaw ay katayin. .

Huwag kang basta na lang mang-iiwan – Kahit sabihin mong hindi mo na mahal ang isang tao, walang dahilan para umalis ka ng walang paalam. Kailangan ay harapin mo siya at sabihin ang dahilan mo kung bakit mo siya iniwan.

Huwag kang magpaasa – Para hindi masaktan ang iyong karelasyon ay sasabihin mo lang na kailangan mo ng ‘space’ pero ang totoo, kalayaan mo na ang hinihingi mo. Huwag naman ganoon. Kung minsan kasi, kahit gaano kaimposible ang isang bagay, kung talagang mahal ka ng karelasyon mo ay hihintayin ka pa rin niya. Ngayon kung wala ka natalagang balak bumalik, huwag kana magpaasa.

            O, sana naman ay maynatutunan ka sa aking mga sinabi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here