Iba’t ibang Paraan ng Pagyaman

Tanggapin mo man o hindi pero pera ang nagpapaikot sa mundo. Kaya, kung wala kang salapi, para ring humihinto ang pag inog ng iyong mundo. Paano nga, di mo mabibili ang mga gusto at pangangailangan mo.

Ikaw, interesado ka bang malaman ang Iba’t ibang Paraan ng Pagyaman? Heto ang ilang tips ko para sa’yo.

Una, mag aral kang mabuti. Napakaimportante ng diploma sa atin dahil ito ang nagsisilbing pasaporte natin para magkaroon ng magandang trabaho at kumita ng malaki. Sa panahon ngayon, kung ordinaryong empleyado ka lang, kakapusin ka lang. Maigi siyempre kung magiging boss ka para malaki ang kita mo.

Pangalawa, pagyamanin mo ang iyong talento. Kung mayroon kang talento sa pagkanta, pagsayaw o pagsulat, maaari mo itong gamitin para ikaw ay kumita. Kailangan lamang na magtiyaga. Ang tagumpay naman kasi ay di mo makukuha sa maikling panahon kaya dapat magsanay ng husto.

Pangatlo, mag ipon. Dadami lang ang pera mo kung magtatabi ka palagi ng pera. Kaya, huwag mong sanayin ang sarili mo na palaging gumagasta. Makabubuti kung ang mga kailangan lamang ang bibilhin mo.

Pang apat, magnegosyo.Ito ang pinakamabisang paraan ng pagyaman. Kailangan mong mag isip ng magandang pagkakakitaan. Kaya, mag isip ka ng husto kung paano mo pa mapapalago ang iyong pera. Makabubuti rin kung may taktika ka pa mas mapaunlad mo ang negosyong pinili mo. Siyempre dapat iyong interesado ka talaga.

O, alin dito ang pipiliin mo?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here