IBA’T IBANG PAMAHIIN UPANG MAGING MASUWERTE ANG NEGOSYO

0
908

Rey de Leon

Author/Psychic/Photographer/Blogger

Latest posts by Rey de Leon (see all)

Panahon na ng mga millennials na pero buhay na buhay pa rin ang paniniwala sa mga pamahiin. Marami pa rin ang sumusunod rito, lalo na kung ito ay may kinalaman sa pananalapi at negosyo. Ang katuwiran ng ilan, wala namang mawawala kung susunod ka.

Sa isinagawang scientific experiment ng University of Cologne noong 2011, napatunayan na ang paniniwala at pagsunod sa pamahiin ay nakapagbu-boost ng mind and body performance. Isa itong malinaw na indikasyon ng “mind over matter”. Samakatuwid, ikaw ang gumagawa ng iyong realidad. Anuman ang iyong perception sa mundong ginagalawan mo, ito ang magaganap. Ito ay nakapaloob sa Quantum Reality.

Bawat kultura sa iba’t ibang panig ng mundo ay may pinaniniwalaang mga pamahiin. Ngayon ay ibabahagi ko ang iba’t ibang klase ng pamahiin mula sa ilang mga bansa sa mundo na may kinalaman sa negosyo. Kung ikaw ay isang believers, maaari mong subukan ang ilan sa mga pamihiing ito upang suwertihin ang iyong negosyo.

1. BRAZIL: Bawal ipatong sa lapag o sa sahig ang iyong bag at pitaka dahil ikaw ay mamalasin. Kung ikaw ay isang entrepreneur, kahit ang aksidenteng pagkakalaglag ng iyong pitaka sa sahig ay indikasyon ng pagkalugi sa negosyo. Kaya, pakaingatan ang iyong bag at pitaka.

2. RUSSIA: Huwag makikipagkamay o handshake sa pintuan. Walang masama sa pakikipagkamay dahil ito ay isang friendly gesture. Ngunit sa Russia, bawal makipagkamay kung kayo ay nasa pintuan mismo dahil ito ay malas. Kung ikaw ay may ka-transaksiyong Russian, siguraduhin na huwag kang makikipagkamay sa kaniya sa may pintuan dahil bukod sa ito ay malas para sa kanila, ito ay isang uri rin ng insulto. Tandaan na bawat bansa ay may kani-kaniyang kultura at paniniwala. Ipakita mo na lang din ang iyong respeto sa kanilang kultura.

3. CHINA: Iwasan ang mga 4:00 meetings. Ayon sa Chinese tradition and belief, ang numero cuartro ay lubhang malas. Sa katunayan, ang salitang “four” sa Mandarin ay katumbas ng salitang “kamatayan”. Samakatuwid, ang numerong ito ay iniiwasan sa bansang ito. Kaya kung may ka-transaksiyon kang Chinese, iwasan mong i-schedule ang meeting ninyo ng 4:00 para hindi siya ma-disappoint sa iyo.

4. GERMANY: Huwag makikipag-toast kung tubig lang naman ang iniinom ninyo. Itinuturing sa bansang Germany na ang gesture na ito ay tumatawag ng kamalasan at kamatayan. Ang paniniwalang ito ay mula pa sa Ancient Greece. Kaya kung kayong magkakaibigan ay may nilulutong negosyo o may papasuking business ventures, huwag kayong magto-toast o mag-cheers kung tubig lang naman ang iniinom ninyo. Toast, cheers, kampay, tagay, kahit ano pa ‘yan.

5. SPAIN: Kapag ikaw ay papasok sa isang establishment, iwasang maunang ihakbang ang kaliwang paa dahil ito ay malas. Dapat ay laging kanang paa ang mauunang papasok. Kung ikaw ay may negosyo, i-apply mo ang paniniwalang ito sa tuwing ikaw ay papasok sa iyong establishment.

6. JAPAN: Maglagay ng origami frog sa iyong wallet. Ang salitang “frog” o “palaka” sa Japanese ay “kaeru”, na katumbas ng salitang “to return”. Dahil dito, maraming Hapon ang naniniwala na ang paglalagay ng origami frog sa wallet ay maghahatid ng suwerte at “okane ga kaeru”, o pagbabalik ng mga lumabas na pera. Kung ikaw ay may negosyo, magandang maglagay ng origami frog sa kaha o lalagyan ng inyong kita para anumang lumalabas ay tiyak na babalik.

7. INDIA: Magbiyak ng buko sa blessing ng bago mong negosyo. Ang malakas na paghampas ng buko sa sementadong sahig hanggang sa ito ay mabiyak ay bahagi ng rituwal para sa mga Indian na may kinalaman sa kasaganaan at masayang pamumuhay. Ang practice na ito ay karaniwang ginagawa sa mga bagong bukas na tindahan o establishment.

8. KOREA: Huwag mag-iinat sa loob ng inyong tindahan o establishment. Ayon sa paniniwalang Koreano, ang gesture na ito ay katumbas ng pagtataboy mo ng pera o kita na papasok sana sa negosyo. Kaya kung ang amo mo o kasosyo ay Koreano, iwasang mag-inat kapag ikaw ay nasa establishment upang hindi siya madismaya sa iyo.

9. PHILIPPINES: Magsuot ng Polka Dot tie at dress. Ayon sa paniniwalang Pinoy, ang pagsusuot ng mga kasuotang may polka dots patterns ay masuwerte dahil ang mga bilog ay simbolo ng pera.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here