Iba’t Ibang Pamahiin sa Pagluluto

1719

Maging sa pagluluto ay may iba’t ibang pamahiin o paniniwala ang mga tao sa buong mundo. Ang mga paniniwalang ito ay patuloy na nakakaimpluwensya kung paano tayo nabubuhay sa araw-araw. Nais n’yo bang malaman ang mga ito…tuklasin!

1. Ang Babala ng Itlog

Ayon sa pamahiin, kapag nakakuha ng itlog na may dalawang pula ng itlog, ibig sabihin nito ay magkakaroon ng kambal na anak.

May mga magsasaka rin na naglalagay ng egg shells sa kanilang lupa upang magdulot ito ng suwerte at magandang ani sa susunod na taon.

2. Bigas para sa Kasiyahan

Sinasabi na ang paghahagis ng hindi lutong kaninbigas sa bagong kasal  ay magkakaloob ng kayamanan at kasaganaan sa ikinasal.

3. Mag-ingat sa iyong Tea

Ayon sa pamahiin ay magdadala ng kamalasan kapag naglagay ng dalawang cups of tea sa parehong pot.

4. Malas na Kutsilyo

Hindi raw dapat nagreregalo ng kutsilyo dahil kumakatawan ito sa pagputol ng koneksyon sa taong niregaluhan nito.

5. Mag-ingat sa Bread Bubbles

Ang ilan ay naniniwalang kapag pinutol at binuksan ang loaf of bread at mayroon itong bubble o butas, may kakilala kang mamamatay sa malapit na hinaharap.

6. Ang Banal na Kapangyarihan ng Garlic

Maaaring narinig mo nan a ang sibuyas ay nagpapalayas sa mga vampires, subalit ito rin ay nagpapalayas ng sumpa ng evil eye.

 7. Grapes para sa Tamis (o Asim) ng Buhay

Ang ilan sa South America ay naniniwalang dapat na kumain ng 12 grapes, nang isa-isa, sa New Year’s Eve upang kumatawan ito sa 12 buwan ng taon. Kung matamis ang grape, ibig sabihin na magiging maayos ang buwan. Kung maasim ang grape, hindi maganda ang buwan.

8. Huwag Putulin nang Maigsi ang Noodle

Sa ilang kulturang Intsik, sinasabing ang mahabang noodles ay kumakatawan sa mahabang buhay. Kaya naman, kapag pinutol ang noodles bago ito ihain, pinaiigsi mo rin ang sariling buhay.

9. Walang saging sa Bangka

Pinaniniwalaang hindi tama na magdala ng saging sa fishing boats, dahil magkakasakit ka o hindi makahuhuli ng isda.

10. Ang Babala ng Chopsticks

Sa China at Japan, kinokonsiderang kagaspangan (at senyales ng kamatayan!) na maglagay ng chopsticks nang patayo sa bowl of rice.

11. Putulin ang Wishbone

Sa UK at United States, ang tradisyon na ang dalawang tao na naghahatakan sa wishbone hanggang mabali ito, at kung sino ang makakakuha ng mas malaking bahagi ay siyang makagagawa ng wish. → What’s a Wishbone, and Why Do We Crack It?

12. Huwag Itapon ang Asin!

Pinaniniwalaang kapag nakatapon ng asin ay magdadala ito sa iyo ng kamalasan. Upang maremedyuhan ang sitwasyon, kailangang itapon ang asin lagpas sa iyong kaliwang balikat gamit ang iyong kanang kamay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here