Iba’t ibang Pamahiin sa Buhay ng Tao Part 9

0
216

Lubhang napakaraming mga pamahiin o paniniwala ang tao na nagsimula pa noong unang panahon, subalit hanggang sa kasalukuyan o modernong panahon ay may epekto pa rin sa buhay ng tao. Narito pa ang ilan sa mga pamahiing ito…

1. Ang pagpapalit ng pangalan ng sanggol na malubha ang sakit ay maaaring magligtas sa kanyang buhay.

2. Ang pagputol ng kuso sa mga araw kung saan ang Sorroful Mysteries ay dinadasal ay magdadala ng kamalasan.

3. Kapag ang isang tao ay nagpalit ng kanyang lugar habang kumakain, siya ay magtataksil sa kanyang kapareha sa buhay.

4. Ang pagwawalis sa sahig kapag may lamay sa nakaburol na patay sa bahay ay hindi dapat ginagawa dahil may mamamatay sa miyembro ng pamilyang nakatira sa bahay na iyon.

5. Ang pagtulong sa sanggol na makaikot at makalapat sa tiyan nito sa higaan sa unang pagkakataon ay hindi maganda dahil lalaking naka-depende lagi ang ito sa ibang tao.

6. Dapat na iniiwasang magbigay ng panyo bilang regalo sa ibang tao dahil malamang na magdulot ito ng kapighatian sa pinagbigyan.

7. Ang magkasintahan ay hindi dapat maging baptismal sponsor ng parehong bata; dahil ang kanilang relasyon ay hindi magtatapos sa kasal.

8. Ang buntis na babae ay hindi dapat nagpapakuha ng litrato dahil ang kanyang baby ay isisilang na abnormal.

9. Ang buntis na babae ay hindi dapat maging baptismal sponsor dahil ang kanyang baby ay maaaring mamatay.

10. Ang gutom na tao ay hindi dapat babatiin ang bata; dahil ang bata ay maaaring lumaking patpatin dahil sa pagsakit palagi ng tiyan.

11. Sa ikatlong buwan ng pagbubuntis ng isang babae ay hindi dapat siya magalak sa mga baby dahil magsusuka siya at makararamdam palagi na hindi siya komportable.

12. Ang babaing kumakanta habang nagluluto ay hindi makapag-aasawa sa kanyang buong buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here