Iba’t Ibang Pamahiin sa Buhay ng Tao (Part 6)

0
230

Ipagpapatuloy natin sa artikulong ito ang iba’t ibang pamahiin sa mga aspeto ng buhay ng tao. Mga aspeto ng pang-araw-araw na buhay ng tao na maaaring may epekto o wala sa kanyang mga desisyon sa buhay. Halina’t simulan na ang pagbabasa.

1. Kung may dalawang magkapatid na babae o lalaki ay nagpakasal sa parehong taon, ang isa ay magkakaroon ng masaganang buhay may asawa, ang isa, malungkot na buhay.

2. Kung may magkapareha na nakatanggap ng crucifix bilang regalo sa kanilang kasal, magkakaroon sila ng tahimik na relasyon.

3. Sa seremonya ng kasal sa simbahan, ang una sa mag-asawa na makarating sa altar at makalabas ng simbahan ay ang magiging dominante sa dalawa.

4. Kung ang veil sponsor sa isang seremonya ng kasal ay single pa, habambuhay na siyang tatandang dalaga.

5. Kung ang buntis na babae ay maganda at mabait, ang kanyang isisilang na sanggol ay babae; kung siya ay mukhang pangit at salbahe, manganganak siya ng lalaking sanggol.

6. Kung may magsusuklay ng buhok sa gabi, ang kanyang mga magulang ay mamamatay.

7. Kung may maglalagay ng ginamit na pinggan sa ibabaw ng pinggan ng iba habang may kumakain pa, ang huling aalis sa mesa ay magkakaroon ng maraming problema.

8. Kung may magreregalo ng wallet o bag, kailangan niyang maglagay ng pera dito, at kung hindi ang wallet o bag ay magdadala ng kamalasan sa pinagbigyan ng regalo.

9. Ang pagbibilang ng pera sa hatinggabi ng Disyembre 24 hanggang Enero 1 ng Bagong Taon ay magdudulot ito ng walang hanggang kayamanan sa buong bagong taon.

10. Dapat na bayaran ang lahat ng pagkakautang bago ang Enero 1 ng Bagong Taon o lagi siyang magkakautang sa loob ng bagong taon.

11. Ang lagayan ng bigas at asin sa bahay ay dapat na laging puna upang mapanatili ang masaganang buhay.

12. Sa Biyernes Santo ang tao ay dapat na magtrabaho nang mabuti, maligo, kumain ng baboy o kaya ay gumawa ng ingay dahil ang Diyos ay patay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here