Iba’t Ibang Pamahiin sa Buhay ng Tao (Part 3)

491

Lubhang napakaraming mga pamahiin o paniniwala ang tao na nagsimula pa noong unang panahon, subalit hanggang sa kasalukuyan o modernong panahon ay may epekto pa rin sa buhay ng tao. Narito pa ang ilan sa mga pamahiing ito…

1. Sa Easter Sunday ang lahat ng bata ay dapat na tumalon nang mataas kapag narinig ang tunog ng Easter bells upang sila ay tumangkad

2. Kailangang may handaan sa Easter Sunday upang ipagdiwang ang bagong buhay ni Hesus Kristo.

3. Kapag may taong nakatanggap ng regalo na statue of Buddha na may mga nakapalibot na mga bata sa kanya, ang nakatanggap nito ay magiging masuwerte sa kanyang mga anak.

4. Kapag may taong nakatanggap ng regalo na statue ng Buddha na walang mga bata na nakapalibot sa kanya, babagsak ang negosyo ng taong nakatanggap nito.

5. Kapag nakatanggap ng jade stone o ang sariling birth stone bilang regalo, ang kanyang asawa ay magiging masuwerte sa buhay.

6. Kapag nakatanggap ng diamond bilang regalo, magiging masuwerte siya sa negosyo.

7. Ang paglalagay ng statue ng Sto. Nino sa tindahan o lugar ng negosyo ay magdadala ng suwerte.

8. Dapat na nagsa-sign of the cross bago umalis ng bahay o bago maglakbay nang mahaba upang makarating ng ligtas sa kanyang patutunguhan.

9. Kapag nakabasag ng salamin, magiging malas sa loob ng pitong taon.

10. Sa paglipat sa bagong tahanan, ang mga titira dito ay dapat na magdala muna ng kanin at asin upang magkaroon sila ng masaganang buhay sa bahay na iyon.

11. Ang pagkain ng mani ay magpapatalino sa tao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here