Iba’t Ibang Pamahiin sa Buhay ng Tao (Part 1)

0
529

Ang tao ay lubhang mapaniwalain sa mga pamahiin maging ito man ay sinauna o mga pamahiin sa modernong panahon. Ang mga paniniwalang ito, sinusunod man nila o hindi, ay patuloy na nagkakaroon ng epekto sa buhay ng tao. Narito ang ilan pa sa mga pamahiing ito…

1. Kung ang direksyon ng mahabang patpat sa sahig ay hindi parallel sa hagdan, ang magandang kapalaran ay hindi darating sa mga nakatira sa bahay.

2. Ang babaing may white spots sa kanyang mga kuko ay patuloy na nagmamahal.

3. Malas na magwalis ng sahig sa ganap na ika-6 ng gabi dahil nangangahulugan ito ng pagtataboy sa magandang kapalaran at pagpapala.

4. Malas na magwalis ng sahig kapag may mga taong naglalaro ng baraha o nagsusugal dahil winawalis nito palayo ang suwerte.

5. Hindi dapat binubuksan ang paying habang nasa loob ng bahay; may centipede na malamang na mahuhulog mula sa kisame at kakagatin siya nito.

6. Kung ang babaing buntis ay tinahi ang kanyang damit habang suot ito, ang kanyang anak ay isisilang na walang butas sa tumbong.

7. Kapag ang babaing buntis ay naupo sa hagdanan, magiging mahirap ang kanyang pagsisilang ng sanggol.

8. Kapag ang buntis na bababe ay nagsuot ng necklace o choker, ang umbilical cord ng kanyang baby ay pupulupot din sa leeg ng sanggol at maglalagay dito sa peligro.

9. Kapag nakagat ang iyong labi, ibig sabihin ay may taong nag-iisip sa iyo.

10. Kung ang magkasintahan ay bigyan ng regalo ang isa’t isa tulad ng sapatos o tsinelas, ang kanilang relasyon ay hindi magtatagal.

11. Kung ang lalaki ay binigyan ang kanyang kasintahan ng necklace bilang regalo at ito ay nasira, ibig sabihin nito ay hindi sila para sa isa’t isa.

12. Kung ang kabaong ng namatay na tao ay sobrang laki para sa kanya, may taong malapit na ring mamatay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here