Iba’t Ibang Pagdurusa ng Anak

Hindi lahat ng anak ay masasabing masuwerte sa kanilang mga magulang. Mayroon diyan na mayaman nga pero kulang naman sa atensyon at pagmamahal. Mayroon din namang salat na sa materyal na bagay, puro sakit pa ng katawan ang inaabot dahil sa pambubugbog ng kanilang mga magulang. Ah, talagang bihirang-bihira iyong may may mganda ka ng buhay tapos busog ka pa sa pagmamahal buhat sa mga magulang mo.

Ngunit, alam mo bang may malala pang pagdurusang mararamdaman ang isang anak dahil sa kanyang mga magulang? Ito ay maaaring mangyari kapag ang isang buntis ay nakipag-away o di kaya naman ay may nilokong babae ang kanyang anak. Maaari kasing maisumpa ng taong nakaramdam ng matinding galit ang sanggol na nasa sinapupunan pa lang ng kanyang ina. ©PhilippineOne.com  2020

Ang galit kasi ay maraming maaaring magawa. Ang anumang bagay na lalabas sa bibig mo ay maaaring magkatotoo kaya nga dapat ay palagi nating kinukontrol ang ating emosyon para hindi makapaminsala ng iba. May mga pagkakataon kasi na ang mga salitang binitiwan ay hindi mo na maaaring bawiin kahit na magsisi ka pa.

Kaya mga magulang, huwag ka rin namang mananakit ng damdamin ng ibang tao dahil ang salitang karma ay mabilis na bumalik. At ang nakakatakot ay anak mo ang higit na magdurusa. Ngayon, ang tanong, gugustuhin mo bang mangyari iyon? Ang sagot, siyempre hindi, Kaya, maging mabuti kang tao alagi at ang lagi mong iisipin ay ang iyong magiging anak.

MORE ARTICLES

Horoscopes     Kapangyarihan     Pamahiin    Panaginip      

Misteryo    Numerology    Zodiac   Beauty/Health

Your Birthday ( Kaarawan Horoscope)      Entertainment   

Religion    Panalangin  Relationships     OFW      LGBTQ    

New Wave (English)     Facebook     YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here