Iba’t-ibang Kulay Ng Ahas Sa Panaginip

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Kapag nanaginip ka ng ahas na iba’t-iba ang kulay, ito ay meron ding iba’t-ibang kahulugan.

Maliwanag na kulay

Kapag ang ahas na nakita mo sa iyong panaginip ay may maaliwalas na kulay gaya ng puti, dilaw, rosas, sky blue, yellow green, peach at iba pa, kahit pa ang kulay nito ay hindi mo nakikita sa totoong ahas, basta ito ay nasa iyong panaginip, ito ay may hatid pa ring mensahe para sa’yo. Anuman sa mga nabanggit na kulay ang napanaginipan mo na taglay ng isang ahas, ibig sabihin ikaw ay may matinding pagnanais sa isang bagay, tao at sitwasyon. Halimbawa sa isang bagay, meron kang gustong gusto na makuha at ito ay handa mong pagsikapan mapasa’yo lang. Kung sa tao naman ito iuugnay, ito ay tumutukoy sa isang tao na meron kang matinding pagtatangi. May kinikimkim kang paghanga sa kanya na hindi mo masabi. Kung sa sitwasyon naman o pangyayari, meron kang isang event na pinakaabangan na para bang gusto mo nang hilahin ang oras at araw para ito ay maganap na.

Madilim na kulay

Ang ahas na may madilim na kulay sa iyong panaginip ay sumisimbolo naman sa depresyon na iyong nararamdaman. Kaya ito ay nagpakita sa iyong panaginip para ipaalala sa’yo na ikaw ay unti-unti nang nahuhulog sa kumunoy ng kalungkutan. Hindi lang ito dumaan sa iyong panaginip para ipa-realize sa’yo ang iyong depresyon kundi para bigyan ka na rin ng babala na kailangan mong bantayan ang iyong sarili. Kailangan mong kumilos at gumawa ng paraan kung paano ka makakaalis sa isang hindi magandang sitwasyon o isipin na siyang sanhi ng iyong kahungkagan na nararamdaman at nararanasan. Hindi ka makakaalis sa isang mabigat na emosyon kung hahayaan mo lang ang sarili na tambayan ito. Hindi masamang humingi ng tulong sa iyong malalapit na kaibigan o kaanak kung kinakailangan. Hindi makakabuti kung sosolohin mo lang ang iyong mga problema kung hindi mo naman kaya. Ito ang mensaheng hatid sa’yo kapag madilim ang kulay ng ahas na napanaginipan mo gaya ng itim, asul at brown.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here