Iba Talaga ang Pinoy

Buong mundo naman ay naaapektuhan ng Covid-19 dahil marami ang namamatay at naghihirap. NGunit, kung susumahin ay ibang-iba talaga ang pagtanggap ng PInoy sa pandemya na ito.

Ang mga ibang lahi ay tila agad nawawalan ng pag-asa kung hindi pa sila makakabalik sa kanilang mga trabaho. Siyempre, hindi na nila alam kung paano pa sila makakahagilap ng paraan para sila ay mabuhay kung mawawalan sila ng trabaho. Kaya naman kahit na hindi pa lubhang nawawala ang virus ay nagpasya na silang ituloy ang kanilang buhay.

Tayo rin namang mga Pilipino ay itinuloy na natin ang ating buhay. Siyempre, hindi na natin gusto pang mabuhay sa takot gayung wala nnang makain ang ating pamilya. NGuni, hindi naman lahat sa atin ay talagang bumalik sa trabaho. Mayroon pa rin sa atin na pinili pa ring manatili sa kanilang bahay kapiling ang kanilang pamilya kaysa lumabas at magkaroon ng posibilidad na magkaroon din siya ng sakit na ito.

Kaya sa halip na magmukmok ay gumagawa tayo ng paraan para magawa nating maipagpatuloy ang ating buhay at ayaw din naman nating manganib kaya naman ang ilang kababayan natin na may talento sa pagluluto at pagtitinda ay ginagamit ang abilidad nilang iyon para magkaroon sila ng income.

O, ikaw, anong paraan ang ginagawa mo?

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here