I-ATTRACT ANG PAG-IBIG AT ROMANSA SA BUHAY SA TULONG NG DYI RED LUCKY RICE JAR FOR LOVE

598

Napaka-versatile ng bigas. Bukod sa ito ay maaaring iluto sa iba’t ibang paraan, magagamit rin ang bigas bilang pampasuwerte.

Isa sa kakayahan ng bigas bilang lucky charm ay ang maka-attract ng pag-ibig at romansa sa iyong buhay.

Gumawa ng Red Lucky Rice Jar for Love.

Ito ay isang variation ng Green Lucky Rice Jar dahil sa halip na pera ay pag-ibig ang ia-attract mo dito.

Para sa kumpletong recipe ng Green Lucky Rice Jar, i-click ang link: https://philippineone.com/hakutin-ang-suwerte-sa-tulong-do-it-yourself-green-lucky-rice-jar/     

Maghanda lamang ng limang tasa ng bigas, isang kutsarang asukal, red food coloring, dalawang kutsarang honey o pulot, red ribbon, at 2×2 picture ng taong gusto mong mapaibig/mapaamo.

Bilang preparasyon, pagsama-samahin ang bigas, asukal, red food coloring, at honey/pulot sa isang palanggana.

Haluing mabuti. Pagkatapos ay ilagay ang mixture sa garapon. Irolyo ang larawan at saka isuksok sa loob ng bigas. Takpan ang garapon at talian/dekorasyunan ng red ribbon.

Itago ang garapon sa ilalim ng higaan.

Napakasimple lamang, hindi ba? Subukan na ang Red Lucky Rice Jar for Love.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here