I Am Filipino; Sulyap sa Nakaraan 2

Ang ‘I Am Filipino; Sulyap sa Nakaraan’ ay isang teatro na ginanap sa  Dela Paz  Elementary School noong nakaraang September 29,2018. Sa pangunguna ni Mr. Robert Dornan at Geraldine Monzon, Ito ay dinaluhan ng mga sikat na manghuhula ng kapalaran at psychic na sina Mr. Rey Ang, Socrates Magnus Govinda Jeremaya at si Maestro Honorio Ong na bukod sa Philippine One ay mababasa rin natin sa dyaryo ng Bulgar.

Ang teatro ay ginanapan ng mga bata mula sa iba’t-ibang paaralan. Sila ay sina Denise Sarmiento, Donela Gracy Monzon, Helaena Rish Monzon, Ian Simborio Estrada, Janna De Vera, Jayzkie Bam, Khevin Ray Basa, Maria Alexandra, Mhai Mhai De Vera, Rachel Pompac Basa, at Angelo Morato. Ito ay dinaluhan din ng mga kagalang galang na kagawad ng San Agustin Malabon City na sina Kagawad Udeng, Kagawad Gerry at Kagawad Udeng.

Matapos ang proyektong ito ay kasunod naman ang programang tutulong sa mga street children na makilala ang kahalagahan ng masustansyang pagkain. Ang nasabing programa ay tinawag na “Fruits and Veggies Feeding Program’.Suportahan po sana natin ang adhikaing ito na malaki ang maitutulong para sa ating mga kabataan. Sa pagtutulungan din po ng I Am Filipino Team.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here