I am Filipino; Saan Patungo ang Spoken Word Poetry?

0
71

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sa Pilipinas, patuloy na kinawiwilihan ng mga kabataang Filipino ang tinatawag na spoken word poetry. Pero ano nga ba ang poetry na ito? Ito ay isang uri ng pagtula na sinasabayan ng pagtugtog ng mga instrumentong musikal ang pagbigkas ng makata ng mga berso mula sa kanyang sariling akda. Bagamat ito ay isa ring pasalitang paraan ng pagpapahayag ng damdamin, ang spoken word poetry ay may mga katangiang taglay na kakaiba sa karaniwang pagbigkas.

Hindi na gaanong mahilig ang mga kabataan sa pagbabasa ng libro sa kasalukuyan kaya ang spoken word poetry ay isang magandang paraan upang maipahayag sa kanila ang mga nais sabihin ng isang manunulat. At nakakatuwang isipin na ang mga kabataan mismo ay nawiwili sa paglikha ng mga ganitong klaseng poetry.Dahil dito ay malaya nilang naipapahayag ang kanilang damdamin na punumpuno ng emosyon. Mga salitang may hugot at hihipo sa puso ng bawat makakarinig. Bata man o matanda kapag nakapakinig nito ay siguradong makikinig ng seryoso. Kung ating hihimayin ang nilalaman ng mga spoken word poetry ng ating mga kabataan kalimitan ito ay puro tungkol sa kabiguan, mga paghihinagpis at mga katanungang sila na mismo ang nagbibigay ng kasagutan. Kung pakikinggan nating mabuti ay malalaman natin ang nilalaman ng kanilang mga hinaing. Kaya sa pamamagitan ng spoken word poetry na kanilang binibigkas ay mas maiintindihan natin sila. Mukhang alam na natin kung saan patutungo ang spoken word poetry. Malayo pa ang mararating nito at may kahabaan pa ang magiging paglalakbay. Patuloy itong tatangkilikin ng mga kabataan dahil ito ang kanilang paraan sa pagsisiwalat ng damdamin nilang hindi masabi sa ibang paraan.

Ilan sa mga spoken word poetry na umantig sa ating puso ay ang Mga Basang Unan ni Juan Miguel Severo, Ako naman ni Zuela Herrera, Sa Pagitan ka Natagpuan ni Maimai Cantillano, Pagod na akong Maghanap ni Tom Sarapat Para sa lahat ng hindi pa nakaka move-on ni Angela Pamaos, Sana ni Brian Vee, at Para sa mga taong nagmahal, nasaktan, nasugatan at bumangon ni Gillian Figueroa.

Ang spoken word poetry ay ginagamit na rin sa mga beauty at gay pageant bilang kanilang talento. Ang huling spoken word poetry na napanood ko ay nito lamang Perlas ng Sacristia 2018 kung saan ito ang talentong ipinakita ng isa sa mga kalahok na si Denise.

More Relationships

More I AM FILIPINO

More TIPS

More K-Pop

More Beauty and Health

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here