Tayong mga Pilipino ay likas na maparaan sa kahit na anong bagay man o sitwasyon. Kung sakit rin lang ang pag-uusapan, siguradong makakahanap tayo ng gamot na hindi masyadong masasaktan ang mga bulsa natin. Lalo na kung tayo ay mahilig magbasa. Marami tayong nalalaman na pwedeng maging solusyon sa ating problema. Kung mayaman ka, madali lang ang magpadoctor, magpa-schedule ka lang sa doctor mo tiyak na malalapatan na ng lunas ang anumang iniinda mong karamdaman, kahit kasi gaano kamahal na gamot ay makakaya mong bilhin. Pero kung mahirap ka at wala kang pambayad sa doctor o kahit pambili man lang ng gamot na inireseta ng pampublikong ospital, subukan mo na lang ang mga gamot na matatagpuan sa kusina mo.
Isa na rito ang bawang na may scientific name na Allium sativum Linn: Allium pekinense prokhanov. Ito ay karaniwan nating sinasangkap sa pagluluto. Mabisang gamot ang bawang para sa ubo, sakit ng ulo, sugat, kagat ng insekto, rayuma, hika at marami pang iba. May mga pag-aaral na nagsasabing nakakatulong rin daw ito sa pagpapababa ng posibilidad ng pagkalat ng colon at prostate cancer kung patuloy na kakain ng bawang ang pasyente sa loob ng ilang linggo.
Tulad ng bawang , malaki rin ang naitutulong sa ating kalusugan ng sibuyas na may scientific name na Alliun cepa L. Nakakagamot ito ng pagkapaso, hirap sa pag-ihi, pananakit sa loob ng tenga,pananakit ng ulo, pagkahimatay, ubo at lagnat.
Ang paminta naman na may scientific name na Piper nigrum linn: Piper aromaticum lam ay mabisang gamot din sa kabag, paglalagas ng buhok, bulate sa tiyan, lagnat, galis at pananakit ng ngipin.
Ilang lamang iyan sa mga sangkap na matatagpuan natin sa kusina na sinasabing nakakatulong sa ating mga karamdaman ayon sa kalusugan.PH. Siguradong marami pa tayong malalaman at matututunan kung palalawakin pa natin ang pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagbabasa. Subalit ayon pa rin sa kalusugan.ph. ang mga paggamit ng halamang gamot ay nakakatulong sa iba , ngunit may posibilidad rin na hindi ito gumana sa iba dahil ang karamihan sa mga ito ay wala pang sapat na pag-aaral.