I. AM. FILIPINO. : Kalesa, nasa puso pa rin ng mga Pinoy

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

I am Filipino June 5: Malaki na ang ipinagbago ng transportasyon ng mga Pilipino, mula sa kalabaw, hanggang sa kalesa, jeep at ngayon ay marami pang iba . Nariyan na rin ang LRT, MRT, Taxi etc. Subalit bakit marami pa rin tayong nakikitang kalesa sa kalsada? Maaaring hindi sa lahat ng kalsada pero hindi natin maitatanggi na nananatili itong buhay at patuloy na tinatangkilik sa kabila ng mga pagbabago.

Pero bakit nga ba? Nagsimula pang gamitin ang kalesa noong panahon ng mga kastila. Noong panahon na iyon, ang mga sumasakay lamang sa kalesa ay iyong may mga katungkulan at ang mga nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Sa paglipas ng panahon ay ginamit na rin ito sa pangangalakal. Saksi ang kalesa sa mga kaganapan sa ating bansa na naging bahagi na ng kasaysayan. Bawat henerasyong lumipas ay nagkaroon ng bahagi ang kalesa. Kumbaga sa bagay, ito ay maituturing na antique, isang antique na transportasyon. May katangian ang mga Pilipino na mapagpahalaga sa mga lumang bagay o mga bagay na makasaysayan. Kaya naman ang kalesa na bahagi ng ating nakalipas ay patuloy pa ring minamahal at tinatangkilik. Sa Intramuros, Binondo at Luneta ay marami kang makikitang kalesa. Ang iba ay ginagamit pa rin ito bilang transportasyon habang ang mga iba naman tulad ng mga turista ay sinasakyan ito upang malibot ang makasaysayan ding Luneta o Rizal Park at upang  maranasan ding makasakay sa kalesa.

Noong isang araw lang ay nagpunta ako sa Luneta at nakita ko ang isang nakatambay na kalesa. Tinanong ko ang kutsero (Driver ng Kalesa) kung marami pa ba siyang nagiging pasahero. Ngumiti siya sabay sabing “ Oo naman, kung hindi’y hindi ko na ibibiyahe itong kalesa ko”. Patunay lamang na patuloy pa ring nagbibigay pag-asa sa mga pinoy ang kalesa. Ngumiti rin ako at sabi ko sa kutsero, gusto ko ring sumakay sa kalesa niya. Kakaibang saya ang hatid sa’kin ng pagkakataong iyon. Kung ikaw ay isang Pilipino at nakasakay ka sa kalesa ay mararamdaman mo na parang ihahatid ka nito sa nakaraan.

I AM FILIPINO

More I Am Filipino

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articlePalmistry 161: Madali mong mapaniwala ang kahit sino
Next articleOnline Horoscope Hunyo 6 2018
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here