I Am Filipino : Larong Gagamba ng mga Pinoy

0
832

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Marami ang takot sa gagamba. Lalo na sa malalaki at nangangagat. Yung matitindi ang takot ay tinatawag na arachnophobia. Gayunpaman, marami man ang takot dito ay marami rin ang naaaliw at ginagawa pa itong laruan. Isa iyan sa kinalakihan ng mga batang pinoy o mas kilala ngayon bilang mga batang nobenta. Sa henerasyong ito ay uso pa ang mga laro na ginagamitan ng pisikal na pangangatawan gaya ng piko, syato, patintero, moro-moro, tagu-taguan, teks, sipa at kung anu-ano pa na sadyang kawili-wili. Isa nga sa kinawilihan noon ay ang paglalaro ng gagamba. Pero hindi lang pala noon dahil magpahanggang ngayon ay marami pa rin ang naglalaro nito. Dito na lang sa amin sa Malabon ay nakikita kong maging ang mga kalalakihan na may mga anak na ay nakikipagsabong pa rin pero sa halip na manok ay gagamba ang pinagsasabong nila. Bahagi ng laro ang pustahan, minsan ay indibidwal minsan naman ay sagpi o yung may kapareha, at meron din na grupo. Tuwang-tuwa talaga ang mga pinoy sa mga ganitong uri ng laro, iyong may naglalaban. Ang gagambang makakapagpatumba sa kanyang katunggali ang siyang makakakuha ng puntos. Kung ang boksingerong gagamba naman ay kinain ang kanyang katunggali ito ay magiging unanimous decision.

Ang pinakamainam na oras ng paghuli sa mga gagambang panabong ay hapon o gabi kung kailan sila lumalabas upang maghanap ng kanilang makakain. Kailangan maging maingat sila dahil lingid sa kanila ay may mga mata ng nagmamasid. Sa oras na matiyempuhan sila ng mga abangers na manlalaro ay agad silang ikukulong sa kaha ng posporo. Ito ang magsisilbi nilang gym para ihanda sa laban. Karaniwang ipinapakain sa kanila ay langaw. Suwerte kung sila ay mas magiging malakas kaysa sa kalaban dahil oras na matalo sila ay sila naman ang magiging pagkain ng kalaban nila.

Hindi lang mga batang pinoy ang nawiwili sa larong ito kundi maging ang matatanda. Ito ang larong Pilipino na hindi makalimutan at magpahanggang ngayon ay nilalaro pa rin sa iba’t-ibang panig ng bansa gamit ang iba’t-ibang uri ng gagamba.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here