I am Filipino : Iba’t-ibang Uri ng Adobo

Kung paborito mo ang adobo at marunong kang magluto nito, dala-dala mo ang tatak ng lutong Pinoy. Halos lahat tayong mga Pilipino ay gusto ang adobo. Isa ito sa mga paborito nating luto sa ulam. Mapa adobong manok man o baboy. Pero hindi lang manok at baboy ang inaadobo, pwede ring iadobo ang mga lamang dagat gaya ng isda, hipon, alimango at pusit. Maging ang mga gulay ay inaadobo rin tulad ng kangkong, talbos, pipino at kung anu-ano pa. Iba’t-iba rin ang luto ng adobo, may adobo sa suka at toyo, may adobo sa mantika at may adobo sa gata. Interesting diba? Lahat ‘yan ay nasubukan ko ng lutuin at lahat ay naging swak sa panlasa ko. Iisa lang naman ang recipe at kung may pagkakaiba man ay konti lang kaya hindi ka malilito. Tulad na lang ng adobo sa gata, dahil may gata na hindi karaniwan sa ingredients, idadagdag mo lang siya sa paraan mo ng pagluluto. At mas masarap kung ang kakang gata o unang gata ang ihahalo mo sa adobo. Dagdagan mo pa ng sili. Nakakatuwa at nakakalibang ang magluto nito. Lalo na kung makuha mo ang lasa na gustong-gusto mo at magugustuhan rin ng iba.

Malayo na nga ang narating ng ating adobo dahil sa iba’t-ibang panig ng mundo ay dala-dala ito ng mga Pilipino kaya naman ang mga dayuhan na nakakatikim nito ay hindi rin maikakaila ang nakakawiling lasa ng pinagsama-samang asim, tamis, alat at anghang kung nais mo.

Pero saan nga ba nagmula at paano natin natutunan ang adobo? Ito ay mula sa salitang kastilang “adobar” at “marinade” naman sa english. Pero hindi natin ito natutunan sa mga kastila. Dahil wala pa man sila ay ginagawa na ito ng ating mga ninuno. Dahil hindi pa uso ang ref noon kaya ang mga pagkain ay ibinababad na lang ng ating mga ninuno sa suka at asin hanggang sa ito ay maluto. Sa ganitong paraan ay tumatagal ang pagkain nang hindi nabubulok. Dahil sa pagsikat ng adobo sa panlasang pinoy ay nagkaroon ito ng iba’t-iban version, may Adobong Tagalog, Adobong Visayas, Adobong Mindanao at Adobong Bicol na super anghang.

Ano pa ang hinihintay mo, try mo nang magluto ng iba’t-ibang uri ng adobo at ipagmalaki mo ito bilang Lutong Pilipino.

More I AM FILIPINO