I am Filipino June 24: Sustansya ng Balot

Mahilig ka ba sa mga street foods? Kung ako ang tatanungin mo OO ang isasagot ko sa’yo. Marami sa atin ang ayaw kumain ng mga street foods kasi madumi raw , lalo na kapag isinawsaw mo sa sawsawang nasawsawan na ng iba, malaki ang posibilidad na makakuha ka rito ng sakit. Pero mas higit ang bilang ng mga Pilipino na tumatangkilik sa mga street foods. Hindi naman lahat ng pagkaing kalye ay masama, tulad na lang ng balot o balut. Karaniwan ay naririnig natin tuwing gabi ang tindero o tindera ng balot na isinisigaw ito habang inilalako. Kalimitan rin na makikita natin sila sa mga kanto ng mga eskinita. Ano nga ba ang sustansiya na maaari nating makuha sa pagkain ng balot?

Hindi ka matatakot kainin ang balot dahil hindi na nito kinakailangan ang sobrang ingat na preparasyon gaya ng laman loob ng baboy at manok na nangangailangan ng masusing paglilinis bago ihain sa hapag kainan man o sa kalye. Ang shell lang nito bilang proteksyon ay sapat na.

Ang fats ay nagbibigay enerhiya at suporta sa cells na kinakailangan ng ating katawan. Ganoon din ang protina na siyang nagpaparami at nag-aayos ng mga nasirang cells at tissue sa katawan. Ang protina rin ang siyang nagpapatibay ng ating mga buto. Ang sapat na cholesterol ay importante rin sa ating kalusugan. Lahat ng ito ay tinataglay ng balot. Hindi na nakakapagtaka kung sa pagkain natin nito ay lumakas ang ating tuhod at mas tumibay pa ang ating mga buto at kalamnan. Kaya naman hindi ka mangingiming kumain nito. Masarap higupin ang sabaw. Masarap na parte naman ang dilaw . Hindi ko lang kinakain ang matigas na parte na tinatawag nilang bato habang ang iba ay sarap na sarap naman sa sisiw nito. Masarap na katerno ng balot ay maanghang na suka bilang sawsawan nito with matching konting budbod ng asin.

Ang balot ay isa sa ipinagmamalaking pagkain ng mga pinoy. Isang pagkaing kalye na hindi mo ikakahiyang ipakain sa mga dayuhan dahil ito ay puno ng sustansiyang kapaki-pakinabang sa ating katawan. Ito ang balot, pagkaing pinoy na hindi lang nakakabusog kundi nakakapagpalusog rin.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto