I am Filipino: Mga dahilan kung bakit mahilig ang Pinoy sa Musika

0
1144

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

I am Filipino June 22. Ano ang hilig mo? Malamang isa ka ring music lover tulad ko. Isa iyan sa kinahihiligan ng mga Pilipino. Musika. Mapa- Tagalog man o English basta nagustuhan ng mga Pinoy ay tiyak na kakabisaduhin nila ito. Lalo na ang mga OPM (Original Pilipino Music). Pero ano nga ba ang mga dahilan kung bakit kinahihiligan ng mga Pinoy ang musika?

Una. Dahil ang mga pinoy ay mahilig talaga sa pagkanta. Anuman ang ating ginagawa basta’t nasa mood ay bigla na lamang tayong mapapakanta. Lalo na kapag nabobored sa bahay o kaya ay sa opisina. Kadalasan ay kumakanta tayo maski  nasa loob ng banyo, nagluluto, naglalaba at naglilinis ng bahay. Ganito tayo kahilig na mga Pilipino sa musika. Kaya naman patuloy pa ring kinikilala at pinapakinggan ang mga radio station dito sa ating bansa dahil marami pa rin talaga sa ating mga pinoy ang nakikinig sa kanila.

Pangalawa. Stress reliever. Kapag problemado tayong mga pinoy ay isa sa pinagbabalingan natin ang musika. Kapag napakinggan na natin ang mga paborito nating kanta ay nababawasan ang bigat na dinadala natin, lalo na kung tayo ay nag-eemote dahil broken hearted o kaya ay may problema sa trabaho. Kalimitan na pinaghuhugutan natin ng lakas ang mga musikang nakakapagpaaliw sa atin at nakakapagpagaan sa damdamin. Sa ganong paraan ay nalilimutan natin ang ating mga problema dahil ito ay idinadaan natin sa pagkanta.

Pangatlo. Kapag inlove. Ito ang pinakamagandang dahilan nating mga Pinoy sa pagkahilig sa musika. Kapag tayo ay in love o may napupusuan. Kadalasan ay dinadaan natin sa pagkanta ang hindi masabi ng ating mga puso. Lalo na iyong mga mahilig sumulat ng kanta ay isang paraan ito upang maipahayag nila ang kanilang damdamin. Kung naman nasuklian na o nagkaroon na ng tugon ang pag-ibig ay saksi pa rin ang musika at bahagi pa rin ito ng isang relasyon o pagsasama. Kadalasan ay ginagawa pa nating themesong sa ating mahal.

Pang-apat. Ito rin ay ating pinagkakakitaan. Sa pagkahilig natin sa musika ay napapakinabangan natin ito lalo na iyong may magagandang boses , sumasali sila sa mga contest kung saan ay magkakamit ng premyong maari nilang magamit sa kanilang mga pangangailangang pinansiyal.

Tunay ngang marami ang nagagawa ng musika. Hindi lang natin ito basta kinahihiligan kundi may mahalagang papel itong ginagampanan sa ating buhay. Lalo na ang musikang pinoy na higit nating naiintidihan ang lyrics kaysa sa mga banyagang awitin.

More I AM FILIPINO

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

More Tanong mo Sagot ko

 

More I AM FILIPINO

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here