I Am Filipino: Ang Saloobin ng Isang Nurse

Noong maliit pa’ko ay takot ako sa mga nurse at doctor. Feeling ko kasi ay lagi nila akong tuturukan ng kung ano at masasaktan ako. Kaya naman marinig ko lang sila ay kinakabahan na’ko. Hindi na ngayon, dahil alam ko na kung gaano sila kahalaga sa ating bayan.  Sila ang tinatawag natin kapag tayo ay nagkakasakit. Sila ang gumagamot sa atin. Sila ang nag-aasikaso upang mapabuti ang ating mga kalusugan. Nagbibigay din sila ng mga payo at kaalaman ukol sa mga sakit at kung paano natin ito maiiwasan. Kung wala ang ating mga nurse at doctor, paano kaya natin gagamutin ang ating mga sarili?

Bilang patunay na hindi na ako takot sa nurse ngayon ay isang nurse ang ininterview ko, siya ay si Nurse Cleofe De Jose Tayag. Ilang mahalagang katanungan lang ang tinanong ko sa kanya gaya ng Ano sa tingin niya ang kahalagahan ng kanyang propesyon bilang isang nurse? At Kung siya ang papipiliin, mas gugustuhin ba niyang maging nurse sa ibang bansa ? Hiningan ko rin siya ng mensahe para sa mga nagnanais na maging isang nurse tulad niya. Base sa kanyang mga naging kasagutan na mapapanood sa video, kitang-kita na nasa puso niya ang pagmamahal sa kanyang kapwa Pilipino at ang pagnanais na makatulong sa ating bansa sa pamamagitan ng napili niyang propesyon. Ayon sa kanya, napakahalaga ng kanyang propesyon dahil malaki ang naitutulong nito sa ating bayan, sa paggagamot sa mga maysakit , sa pag- aalaga sa ating kalusugan, at pagbibigay kaalaman upang tayo rin ay makapag-ingat sa ating mga sarili. Mas pinili rin niya na makapagsilbi at manatili dito sa ating bayan na kanyang sinilangan dahil ayon sa kanya, masarap sa pakiramdam yung nakakatulong ka sa kapwa mo Pilipino. Ang mensahe namang iniwan niya para sa mga gustong maging nurse tulad niya ay kailangan daw na ibigay mo ng buo ang puso mo at isipin mong lagi kung paano mo matutulungan ang kapwa mo at ang bayan mo.

Kaya’t ipagmalaki natin ang ating mga nurses at mga doktor dahil sila ay mahalaga sa atin at tayo ay mahalaga sa kanila.

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW