I Am Filipino : Iba’t-ibang luto ng Saging

Isa sa mga inaabangan natin tuwing hapon ay ang meryenda o merienda. Mahilig kasing kumain ang mga Pinoy. Kung gaano tayo kahilig magluto ay ganoon din tayo kahilig sa pagkain. Ang nakakatuwa pa ay mahilig tayong mag-imbento ng mga luto at mula sa pag-iimbento ay natutuklasan natin ang iba’t-ibang klase at timpla ng pagkain na swak na swak sa panlasa natin at kadalasan ay nagugustuhan rin ng mga dayuhan.

Isa sa madalas nating pag-imbentuhan ay ang saging. May iba’t-ibang uri ang saging, may tinatawag na senyorita, saba, latundan, berde, puti at pula.Sa saging ay marami tayong nagagawang luto. Unang-una na rito ang Banana Cue na paborito ng lahat. Ang turon na napakasarap lalo na pagmalutong . Pampalasa rin dito ang langka na isinasama natin sa bilot. Ang maruya na sagana sa budbod na asukal.`Minamatamis din natin ang saging  at isinasahog sa alpahol kasama ang mga tropa niyang kamote, gabi, sago at bilo-bilo. Mula naman sa saging na saba ay nalikha natin ang minukmok. Kapag natikman mo ito ay siguradong hindi ka na magmumukmok. Lalo na kung ito ay lalagyan mo ng toppings na malapot na gatas. Masarap ding meryendahin ang pritong saging na papartneran mo ng kape, ito talaga ang paborito ko sa lahat ng luto ng saging, isang simpleng pagprito nito.

Kung naiinitan ka naman ay pwede mong lagyan ng yelo ang saging at samahan mo pa ng maraming gatas na malabnaw siguradong maiibsan ang init na nararamdaman mo. Pwede ring gataan ang saging ka-tandem naman ang masustansiyang gulay gaya ng talbos ng kamote at dinurog na kalabasa. Nabanggit ko na rin lang ang gulay ay mainam din na lahok sa ulam ang saging kapag ang luto ay nilaga at pochero. Pwede rin itong i-team up sa paborito nating adobo. Ang puso naman ng saging ay pwede ring gataan with sili at itorta. Kung pwedeng i-ulam ang saging, aba’y pwede rin itong ihalo naman sa tinapay o yung tinatawag na banana bread, banana cookies at banana cake. Mainam ding pangtanggal umay ang banana chips na kadalasan ay nabibili natin sa bus.

Napakarami pang pwedeng gawin sa saging kaya naman napakapopular nito sa ating mga Pilipino. At hindi lang ito basta nakakabusog, nagtataglay din ito ng bitamina at mineral na kailangang kailangan ng ating katawan tulad ng potassium, calcium, manganese, magnesium, iron, folate, niacin, riboflavin at B6.

More I AM FILIPINO

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

More Tanong mo Sagot ko

SHARE
Previous articleTanong mo Sagot ko July 6
Next articleDear Maria July 6: Binlock ng ka-LDR
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.