I Am Filipino July 5: Byaheng Tricycle

0
326

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Hindi ko na itatanong kung nakasakay ka na sa tricycle. Bilang isang Pilipino sigurado naman akong naranasan mo na ito. Ang hindi na lang siguro nakakaranas nito ay yung mga mayayaman na de kotse at walang balak na subukan ito. Pero sa ating mga pangkaraniwang mamamayan ay naging bahagi na ito ng ating pang-araw araw na buhay. Popular ito sa atin bilang pang-araw araw na transportasyon at karaniwang ito ay may tatlog gulong. Sumasakay tayo ng tricycle kapag pupunta tayo sa palengke, magsisimba, mamasyal sa park o dadalaw sa mga kaibigan. Kung minsan ay naiinis tayo kapag matuling magpatakbo ang tricycle driver na nasakyan natin o yung tinatawag nating kaskasero. Syempre sino ba naman ang gugustuhin na madisgrasya. Pero karamihan naman sa mga tricycle driver natin ay maingat magmaneho at kung lagi natin itong nasasakyan ay nakikilala na rin natin ang driver at nagiging kagaanan pa nga ng loob. Ang karaniwang pasahero na kaya nitong pasakayin ay apat hanggang lima lamang, dalawa sa likuran ng driver , dalawa sa loob at isa sa upuang maliit na pambata. Meron nga lang mga tricycle na nagsasakay ng higit pa sa lima o yung mga nagpapasabit. Hindi iyon tama dahil takaw disgrasya ang ganon. Kung malapit lang ang iyong destinasyon ay magbabayad ka lamang ng sampung piso hanggang treinta. Kung medyo malayo naman ay singkuwenta at kung aarkilahin mo ang tricycle sa mas malayo pa ay maaaring umabot ng higit sa one hundred pesos na ang babayaran mo.

Dahil ang tricycle ay tatak Pilipino bilang transportasyon, asahan mo na , ang karamihan sa mga tricycle driver ay masayahin at magalang sa kanyang mga pasahero. Meron din silang samahan na kinabibilangan tulad ng mga toda. Ito ang samahan na pumoprotekta sa kanila at nangangalaga sa kanilang mga karapatan bilang isang driver. Kung kabilang sila sa toda ay hindi ka rin mag-aalala na baka ikaw ay maabuso nila dahil meron din silang mga patakaran na sinusunod upang mapangalagaan naman ang kanilang mga pasahero.

Dahil nga sa bahagi na ng ating pang-araw araw na buhay ang tricycle ay siguradong isa ito sa hahanap-hanapin natin kapag tayo ay nangibang bansa. Kaya naman bilang Pilipino, ipagmalaki natin ang kapaki-pakinabang na uri ng behikulong ito. Dahil atin ito.

I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here