I Am Filipino: Flip Top, Makabagong Balagtasan

“O pag-ibig na makapangyarihan, pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.” Isa lamang iyan sa sikat na linyang magpahanggang ngayon ay sinasambit pa sa mga balagtasan. Kapag sinabing balagtasan, agad nating naiisip ang kilalang kilala dito na si Francisco Baltazar o Francisco Balagtas. Ang balagtasan ay isang debate kung saan ang dalawang magkatunggali ay nagpapalitan ng kanilang mga paniniwala at opinyon sa isang bagay sa pamamagitan ng pagtula o mga linyang may ritmo. Dahil sa labis na paghanga ng mga Pilipino kay Francisco Balagtas , ang pakikipagdebateng ito sa Pilipinas ay isinunod sa kanyang pangalan kaya ito ay tinawag na balagtasan.

Popular din sa pakikipagbalagtasan sa kanyang panahon si Jose Corazon de Jesus o mas naging tanyag sa kanyang pen name na Huseng Batute. Sa isang malaking pakikipagbalagtasan ay nilabanan ni Huseng Batute ang kanyang mahigpit na karibal na si Florentino Collantes at siya ay nagwagi kaya siya ay binansagang hari ng balagtasan. Hinawakan niya ang titulong ito hanggang sa kanyang huling hininga noong 1932.

Sa kasalukuyan ay mamamangha ka dahil patuloy na namamayagpag ang balagtasan sa ating mga kabataan. Maliban sa mga makalumang pagtatanghal, ang balagtasan ay ginagawa na rin sa mga kalsada o kalye. Ito ay tinawag nilang Flip Top. Isang uri ng pakikipagdebate na may pamamaraan at temang makabago, ang pinakamalaking impluwensya nito ay ang orihinal na liga ng rap battle sa west founded, noong 2008, Grind Time Now (US) King of the Dot (Canada) at Don’t Flop (UK). Dalawang tao rin ang nagpapalitan ng kanilang paniniwala at opinyon base sa isang usapin. Kaiba sa orihinal na pakikipagbalagtasan, ang Flip Top ay ginagawa sa pamamagitan ng pagra rap. Ito ay nagsimula sa atin noong 2010 na itinatag ni Alaric Riam Yuson.Ang ligang ito ay para ding maipromote ang hiphop sa paraan ng pakikipagbalagtasan o pakikipagdebate.

Tunay na kahanga-hanga ang mga pinoy pagdating sa poetry. Sadyang malikhain sa pag-iisip ng mga makabagong detalye at paraan sa kung paano nila maipapahayag ang nilalaman ng kanilang damdamin. Kaya naman sa mga Pilipinong sadyang may angking husay sa pakikipagbalagtasan sa makaluma man o makabagong paraan, isang pagsaludo ang handog namin para sa inyo.

More Camille Jacinto

More I AM FILIPINO

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

More Tanong mo Sagot ko