I Am Filipino : Ang High School Life ng mga Pinoy

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Ang  pinakamaganda nating memories ay nagmula sa ating buhay High School. Bakit nga ba iba ang dating kapag sinabing high school life? Kapag nababanggit ito ay napapangiti tayo dahil sa mga alaalang bumabalik sa ating isipan mula rito. Ito kasi ang stage kung saan nagsisimula tayong mamulat sa mga nakaka-excite na bagay sa mundo. Tulad na lang ng pagkakaroon ng maraming kaibigan, pagkakaroon ng crush, pagkatuto sa mga importanteng bagay at pagkakaroon ng interes sa iba’t-ibang larangan.

Sa madaling salita, sa puntong ito ng ating buhay ay namumulat tayo sa mas marami pang interesanteng bagay at pagkakataon. Nasa stage na ito ang thrill, ika nga. Ang pagiging masayahin nating mga Pinoy mula pagkabata ay nadadala natin sa ating paglaki kaya  higit na nagiging makulay ang ating buhay eskuwela. Sa edad kung saan nagsimula tayong tumuntong sa high school ay hindi lang natin kinikilala ang mga bago nating kaibigan kundi maging ang ating mga sarili. Ito rin kasi ang stage ng pagdadalaga at pagbibinata kung saan mas higit nating nakikilala kung sino ba talaga tayo.

Maaari tayong malito at magduda sa ating sarili gayunpaman mas pinipili natin ang maging komportable sa kung ano tayo habang abala tayo sa mas marami pang bagay na kaakibat ng ating high school life. Sa panahon ding ito lumalabas ang ating mga kalokohan kasama ang ating mga kaibigan o yung tinatawag nating mga barkada. Marami tayong nagiging experience kasama sila. Dito rin natin nasusubukan ang kakayahan natin sa iba’t-ibang sports at nalalaman natin kung saan tayo mas magaling. Foundation day, fieldtrip, teatro,contest, JS Prom at marami pang exciting na parte ng ating high school life tayong naaalala. At syempre hindi magiging makulay ang mga sandaling iyon kung hindi natin nakasama ang ating mga crushes.

Kaya nga sa paglipas ng panahon, sa pagharap natin sa bagong kabanata ng ating buhay ay patuloy nating inaalala ang ating high school life. Kaya rin usong-uso ang mga get together at reunion kung saan muli nating nakakasama ang mga naging parte ng pinakamasayang kabanata sa ating buhay. Iyan ang high school life ng mga Pinoy, makulay at walang kapantay.

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here