I Am Filipino July 21: Spa na Pampa-Good Vibes

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Tayong mga Pilipino ay sadyang mahilig magpaganda at magrelax. Likas kasi sa atin ang pagiging metikuloso lalo na sa ating katawan. Sa panloob man o panlabas nating kaanyuan. Gustong gusto natin ang maganda tayo sa ating paningin at syempre pa sa paningin ng iba. Mula sa kuko sa mga paa hanggang sa kamay, updated tayo sa pagtsetsek kung maayos ba o nakakasunod ba tayo sa uso. Ganoon din sa style ng buhok. At lalong lalo na sa ating mukha. Kilay is life ika nga. Bet din natin ang mga false eyelashes na nakakapagpadagdag ng ganda sa ating mga mata.

Kung nagpupunta tayo sa mga gym para palakasin ang ating pangangatawan at magkaroon ng magandang korte, sa spa naman ang destinasyon natin kapag gusto nating irelax ang ating katawan. Kaya naman binisita ko ang Del’s Spa Salon sa Malabon para alamin ang ilang proseso kung paano nila ginagawa ang kanilang pagmamasahe. Sakto naman na naabutan kong may customer si Miss Mariedel Evangelista, ang magandang may-ari ng Del’s Spa. Kaya sinamantala ko na rin na tanungin siya ng ilang bagay lang naman tungkol sa kanyang spa. Sa pagkakataong iyon ay isinasagawa niya sa kanyang customer ang full body massage na tinawag din niyang Swedish Shiatsu massage combination. Bukod sa iba’t-ibang uri ng body massage ay may iba pa silang services na inoofer tulad ng manicure, pedicure, eyelashes, facial, whitening, paraffin, hand and foot spa at ear candling. Lahat po ‘yan ay nasa abot kaya lang na halaga. Maari nyo pong bisitahin ang Del’s Spa Salon sa Malabon or itext sa mga numerong mapapanood nyo po sa video na aking ginawa. Habang pinapanood ko ang pagmamasage ni Miss Del ay parang feel ko rin magpamassage kasi nakita ko kung paano narelax ang kanyang customer.

Sa aking saglit na pakikipagkuwentuhan ay naitanong ko kay Del kung meron ba siyang tips na maibibigay sa mga nagnanais ding pasukin ang negosyong gaya ng sa kanya. Ayon kay Del, importante ang tiwala sa sarili , sipag at tiyaga and of course tiwala kay Lord. Sa ganitong klaseng negosyo ay the best rin na maging isa kang halimbawa sa mga customers mo. Dapat ay maging presentable ka sa kanila sampu ng iyong mga staff para lalo silang maengganyo na subukan ang inyong serbisyo. Ang serbisyong Pilipino na ipinagmamalaki natin saan mang panig ng mundo.

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

SHARE
Previous articleKapangyarihan : Ang 5 uri ng kaibigan
Next articleOnline Horoscope Hulyo 24 2018
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here