Pilipino sa Mundo ng Animation

Tunghayan ang sinasabi ng I am Filipino July 17.

Marami ang nahuhumaling sa anime lalo na sa Japan. Maging dito sa Pilipinas ay sikat na sikat na rin ang anime at marami sa ating mga artists ang mahuhusay na rin sa larangang ito. Ang anime ay Japanese term for animation. Isang istilo kung saan ang guhit kamay ay ginagawang animation sa computer. Ilang beses na nagkaroon ng appearance ang Pilipinas sa mundo ng anime tulad na lang sa Charlotte kung saan ipinakita ang Walking Street Angeles City Pampanga , ang City of Makati sa Jormungand, ang Alimango Island sa Fate/Zero , ang Subic Naval Base sa Eureka Seven AO, at ang Manila at Siquijor sa Marvel Anime Blade. Ibig sabihin lang nito na ang Pilipinas ay isang magandang destinasyon para sa mundo ng anime. Noong 2011 ay pumangatlo ang Pilipinas sa Global Outsourcing of animated series. Isa sa popular na anime series na maipagmamalaki ng Pilipinas ay ang Barangay 143. Isang Japanese-Philippine-Singaporean anime television series na may Filipino-Themed basketball. Ito ay mula sa produksyon ng Synergy 88 katuwang ang Asahi TV at August Media Holdings.

Ang pinakamalaking porsyento ng mga kilala na nating anime series tulad ng Dragon Ball Z, Slum Dunk at One Piece ay dito na ginagawa ang produksyon sa Pilipinas ng sarili nating mga Pilipino artist. Ilan sa nasa likod nito ay sina Ricky Caboteja at Roland Dasilio. Sa Pilipinas ay kinikilala naman natin bilang ama ng animation si Mr.Gerry Garcia. Siya ang creator ng Panday, ang kauna-unahang Filipino Television cartoon at ang Adarna na kauna-unahan naman nating animated film.(1997). Maganda rin ang Urduja at Dayo na gawang Pilipino.

Sa Hollywood ay hindi rin nagpahuli ang ating mga animators na sina Nelson Bohol  na naging parte ng Inside out Monster University, Cars, Finding Nemo at marami pang iba. Si Ruben Aquino naman ay naging parte ng Winnie The Pooh, Lilo and Stitch at The Princess and the Frog. Si Armand Serrano ay parte naman ng Big Hero 6, Lilo and Stitch at Brother Bear. Si Mars Cabrera ay sa Teenage Mutant Ninja Turtles at Sabrina: the animated series. Si Josie Trinidad ay naging bahagi rin ng Zootopia at Tangled. Si Bobby Pontillas ay bahagi naman ng Frozen, Big Hero 6 at Ice Age 4.Si Virginia Cruz –Santos ay isa rin sa nasa likod ng The Incredibles at Pixar. Si Cesar Velazquez ay sa Wreck –it Ralph, Tangled at Chicken Little. Ilan lang sila sa maipagmamalaki nating animators. Kaya mabuhay tayong mga Pilipino sa mundo ng animation!

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW