I Am Filipino : Mga Pilipinong Manlalaro

0
1157

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Likas na mahilig sa sports ang mga Pilipino. Magmula pa man sa kamusmusan , hanggang sa kabataan patungo sa katandaan ay nasa puso na ng mga Pinoy ang paglalaro. Ito ang larangan kung saan nagkakaisa tayong lahat. Isang halimbawa na ang laban ni Senador Manny Pacquiao.

Sa tuwing may laban si Manny ay tumitigil ang mundo nating mga Pilipino para masubaybayan lamang ito. Ito rin ang sandali na nagkakaroon ng record na zero crime sa maraming lugar. Maging ang masasamang loob kasi ay napapatunganga sa laban ni Manny at pansamantalang nakakalimutan ang kanilang bad mission. Dito rin nagkakaroon ng bonding ang mga Pilipino sa pamamagitan ng katuwaang pustahan. O kaya’y nagsasama-sama para panoorin ang laban.

Bukod kay Manny ay marami pang Pilipino ang gumawa ng pangalan at nagbigay ng karangalan mula sa larangan ng sports. Gaya nina Rafael “Paeng” Nepomuceno sa bowling, Lydia de Vega sa takbuhan, Akiko Thomson sa paglangoy, Gabriel “Flash” Elorde na isang batikan din sa boksing, Eugene Torre na mahusay sa chess, at si Robert Jaworski na kilala naman sa basketball.

Sa paglipas ng panahon ay hindi nagpapaawat ang mga manlalarong Pilipino sa pagpapasikat sa buong mundo. Meron tayong Hidilyn Diaz na isang Olympic Champion sa women’s division ng weightlifting, Mary Antoinette Rivero sa taekwondo, ang team Azkals sa football, sina Ronel Estoy, Romel Ramos, at Rico Olida sa dart , at Earl Benjamin Yap na isang archery gold medalist.

Marami pang bagong usbong na Pilipino ang nagpapatuloy at magpapatuloy pa sa sinimulan na ng mga nakaraang henerasyon. Kung buo ang paniniwala natin sa kanilang mga kakayahan, sana ay maging buo rin ang pagsuporta sa kanila ng ating pamahalaan. Kailangang kailangan nila ito lalo na kung sila ay nasa gitna ng laban. Hindi lang sana ang malalaki na kundi maging ang mga pasibol pa lang nating mga manlalaro ay mabigyan pa natin ng kaukulang atensyon para sa kanilang paghahanda sa mga magiging laban nila sa hinaharap.

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here