I Am Filipino : Taho ng Bayan

0
87

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Nakatikim ka na ba ng taho? Sa palagay ko lahat halos ng Pilipino ay nakaranas na ng taho sa umaga lalo na nung ating kabataan.Naging bahagi na ito ng pang-araw araw nating buhay. Kapag narinig na ang sigaw ng magtataho ay tiyak na magmamadali ang bata na humingi ng barya para bumili ng taho. Anuman ang ginagawa ay ititigil yan para lang makabili. Kadalasan nga ay sinasalubong na nila ang pagdating nito.Dahil araw-araw ang pagdaan ni manong magtataho kaya maging siya ay napapalapit na sa kanyang mga suki. Alam na alam na ni manong magtataho kung sino ang kanyang mga customers at kung bago ka lang sa paningin niya ay tiyak na aalukin ka niya ng kanyang mainit pang taho na maraming sago at arnibal. Isang araw lang na hindi dumaan ang magtataho ay ipinagtataka agad ito ng kanyang mga suki lalo na ang mga bata. Nalulungkot sila kapag walang taho sa umaga o sa hapon man. Sa halagang limampiso kasi ay meron ka ng taho. At sampu naman kung soya. Sa kasalukuyan ay may iba’t-ibang flavor na ang taho, gaya ng strawberry at chocolate flavor.

Pero alam niyo ba kung anong sustansya ang nakukuha natin sa taho? Tulad ng ibang produkto na mula sa mga buto ng soya, ang taho ay nagtataglay din ng protina, calcium at iron. Gayundin ang vitamin A, B1 at B4. Makukuha rin natin sa taho ang mga mineral gaya ng phosporus, potassium, manganese, magnesium, selenium at zinc. Samantalang ang arnibal naman ng taho ay nagtataglay naman ng calories na kailangan din ng ating katawan bilang enerhiya. Nakatutulong ang araw-araw na pagkain natin ng taho sa pagbaba ng cholesterol sa ating katawan.Nakakaiwas tayo sa pagkasira ng ating memorya. Nalilinis ang ating atay. Lumiliit ang posibilidad na magkaroon ng kanser at nakakaiwas din tayo sa osteoporosis.

Sadyang napakaraming benepisyo ang maibibigay sa’tin ng taho bukod pa sa napakasarap na lasa nito. Pero lagi nating alalahani na anumang sobra ay hindi na tama. Kaya kumain lang tayo ng tama. At lagi din nating alamin at piliin ang pagkaing makakapagdulot ng maganda sa ating kalusugan at pangangatawan. Isa na diyan ang taho, nating mga Pilipino.

More Camille Jacinto

More I AM FILIPINO

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here