I am Filipino July 10: Kilalanin natin ang Kabataan ngayon

0
303

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Madalas kong marinig mula sa bibig ng matatanda na iba na nga raw ang mga kabataan ngayon. Suwail, walang galang, walang respeto, rebelde, magastos at tila walang pakialam sa nangyayari sa kanilang paligid. Pero ganito na nga ba ang mga kabataan natin ngayon? Hindi ako kumbinsido. Dahil base sa nakikita ko ay maaaring marami sa mga kabataan natin ang hindi lang natin maintindihan. Kung atin lang silang kikilalanin ay tiyak na mauunawaan natin ang kanilang mga pagnanais sa buhay. Sa tingin ko ay marami silang gustong gawin na hindi natin nagawa noon. Marami silang nais abutin na mas mataas pa kaysa sa naabot natin. May mga kagustuhan sila na idinadaan nila sa sarili nilang pamamaraan. Mga pagtuklas sa mga bagay na hindi natuklasan ng ating henerasyon.

Gusto nilang makilala sila sa mga napili nilang larangan. Tulad na lang ni Christoper Valentin na isang outstanding student at Mea Gey Ninura na isang record-breaking runner. Dalawa lang sila sa napakaraming kabataang pinoy na gumagawa ngayon ng sarili nilang mga pangalan sa iba’t-ibang larangan. Kabilang din sa nakakahangang mga kabataan ang pride ng San Pablo City sina Christian Louie Cornista at John Matthew De Gala na nagwagi sa kamakailan lang na Singapore International Math Olympiad Challenge (SIMOC) na ginanap sa National University of Singapore. Hindi lang sila ipinagmamalaki ng kanilang mga magulang kundi ng kanilang buong bayan sa pagkakamit nila ng mga awards. Si Cornista ay gold medalist sa Math Olympiad at bronze medalist naman sa mind sports samantalang si De Gala ay silver medalist sa Math Olympiad at silver medalist din sa Math warrior. Sila ang mga halimbawa ng kabataang pinoy na marapat lang ipagmalaki ng ating bansa.

Gayunpaman, marami rin sa ating mga kabataan ang naliligaw ng landas at nalilito pa sa daan na dapat nilang tahakin. Ito ay dahil sa kakulangan ng paggabay ng mga magulang o ng kung sinumang matanda na dapat umalalay sa kanila kung sila ay ulila na. Sa kakulangan din ng pagkilala at pag-aalaga ng ating pamahalaan. Kaya ang mga kabataan ngayon ay mas agresibo sa pag-abot sa kanilang mga pangarap, upang mapatunayan na kaya nilang dalhin ang kanilang sarili. Bilang nakakatanda at nagmula sa naunang henerasyon kaysa sa kanila, bigyan natin sila ng sapat na atensyon,pagkalinga at suporta sa landas na hindi sila maliligaw. Tayo ang pag-asa nila at sila naman ang pag-asa natin sa hinaharap, ang pag-asa ng bagong henerasyon na sisibol.

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here